26.8 C
Batangas

Pagpapailaw sa mga pedestrian crossing, pasado na sa Commitee Level ng Sanggunian

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

PASADO na sa Committee Level ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang Ordinansa para sa paglalagay ng Street Lights ang lahat ng mga pedestrian crossings sa mga provincial roads sa Lalawigan ng Batangas.

Sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Lunes, Agosto 19, iniulat ni Board Member Carlo Roman Junjun Rosales ng Unang Distrito ng Batangas, may-akda ng panukalang ordinansa, na sasagutin ng pamahalaang panlalawigan ang paglalagay ng mga naturang pailaw na ilalagay sa magkabilang direk-syon ng nasabing interseksyon sa bawat munisipyo o lungsod, gaya ng naging panukala ni Board Member Bart Blanco ng Ikalimang Distrito.

Hiniling din ni Bokal Blanco kay Bokal Rosales na maisama rin sa mga prayoridad na lalagyann ng streetlights ang mga estratihikong lugar gaya ng pook pamilihan at mga paaralan.
Upang hindi maging pabigat sa mga local government units na nakasasakop sa mga lugar na lalagyan ng naturang pailaw at walang buwanang konsumo sa kuryente na kailangang bayaran ang munisipyo, solar electric lights ang gagamitin para rito.

Magsisimuluang ipatupad ito sa taong 2020 sapagkat sa susunod pang annual budget ng probinsya mapapasama ang kaukulang pondo na kakailanganin para maipatupad ang proyekto.|-BALIKAS Network News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

IT all started over coffee, iced choco, and a cake named “Better than Sex”—not a formal memo, just a spark of an idea between...
QUEZON CITY — PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. launched a 50% train fare discount for senior citizens and persons with disabilities (PWDs) on Wednesday,...
Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes recently made an appeal for a more dignified and compassionate representation of the elderly on both mainstream...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -