31.1 C
Batangas

Pagsuspinde ng Ombudsman kay Sabili, tuluyan ng ibinasura ng CA

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – MULING pumanig ang gulong ng katarungan kay Mayor Meynardo A. Sabili ng lunsod na ito matapos magdesisyon ang Court of Appeals (CA) upang baligtarin ang naunang 1-taong suspension na ipinapataw ng tanggapan ng Ombudsman sa kaniyang kinakaharap na kasong admnistratibo kaugnay ng paglilipat ng isang dating kawani ng pamahalaang lunsod.

Sa 19-pahinang desisyon na ipinalabas nitong nakaraang linggo, nagdesisyon ang CA 4th Division na maging permanente na ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas nito noong Agosto 9 laban kina Mayor Sabili at Lipa City administrator Leo Latido.

Nag-ugat ang kasong ito sa naunang reklamo na isinampa ni dating City Social Welfare and Development Officer Teresita Pesa na di kalaunan ang nasabing reklamo ay kaniyang iniatras din.

Sa di malamang dahilan na sa kabila ng pag-aatras na ito ng reklamo ay itinuloy pa rin ng Ombudsman ang pagdinig sa kaso at hinatulan sina Sabili at Latido ng 1-taong suspension noong Disyembre 11, 2017.

Kaagad namang naghain ng Motion for Injunction and Temporary Restraining order ang kampo ni Sabili. At noon ding nakaraang Agosto 9, ipinalabas ng CA ang 60-day TRO na nag-uutos sa Ombudsman at sa Deparmtent of Interior and Local Government (DILG) na itigil ang pagpapatupad ng nasabing desisyon ng Ombudsman.

“The basic purpose of the restraining order is to preserve the status quo until the hearing of the application for preliminary injunction. It is a preservative remedy for the protection of substantive rights and interests,”(Ang batayang layunin ng restraining order [pagpipigil]  ray upag panatilihin muna ang kung anong kasalukuyang kalalagayan hanggang sa madinig ang aplikasyon para sa preliminary injunction. Ito ay isang preventive remedy upang protektahan ang mga karapatan at interest [ng serbisyo publiko]” saad sa kautusang nilagdaan ni Associate Justice Franchito Diamante.

Hulyo 20, 2018 nang maghain ng Petition for Review under Rule 43 with Prayer for Temporary Restraining Order /Injunction sina Mayor Sabili at Atty. Leo S. Latido sa kasong isinampa laban sa kanila.

Sa naturang petisyon, sinabi ng mga petisyuner (Sabili at Latido) na, Una, ang inirereklamong aksyon ng alkalde ay nangyari noon pang taong 2012 at 2013; at dahil sa tatlong sunud-sunod na pagkakahalal kay Mayor Sabili noong 2010, 2013 at 2016, ang naturang aksyon ay maituturing na nasa ilalaim ng protective mantle of the condonation doctrine; at Ikalawa, ang mga reassignment orders noon na ipinalabas ng alkalde ay maituturing na regular at kailangan sa tawag ng serbisyo-publiko.

Noon ding Hulyo 30, 2018, ay naghain ng Comment si Pesa [sa Urgent Ex-Parte Motion for an Immediate Issuance of a Temporary Restraining Order na inihain ng mga petisyuner noong Hulyo 24]. Ani Pesa, batay na rin sa mga umiiral na jurisprudence at alinsunod sa Rule 58 ng Rules of Court, may mga interes ang publiko na kailangang bigyang proteksyon kaya marapat lamang na ipagkaloob ang hinihinging TRO ng mga petisyuner.

Sa pakapagpalabas ng TRO, ipinag-utos din ng Korte kay Gng. Pesa na magsumite ng kaniyang komento sa applicantion for the issuance of Writ of Preliminary Injunction at Petition for Review na inihain ng mga petisyuner sa loob ng sampung (10) araw matapos matanggap ang kautusan ng Korte. Sinagot naman ito ng mga inireklamong opisyal.

Matapos mabalanse ng CA ang mga argument ng magkabilang panig at sa mismong pag-aatras ng reklamo ni Pesa may humigit-kumulang limang (5) taon na ang nakararaan, tuluyan na ngang ibinasura ng CA ang naturang kaso ay pinawalang bisa ang hatol ng Ombudsman noong Disyembre 11, 2017.|#BALIKAS_News

SI Lipa City mayor Meynard A. Sabili matapos maghain ng kanidatura sa pagka-kongresista ng Lunsod ng Lipa. Kasama niyang tumungo sa panlalawigang tanggapan ng COMELEC ang kanyang CHief of Staff, Bernadette P. Sabili na naghain din ng kanidatura sapgka-alkalde ng Lipa.|JOENALD MEDINA RAYOS
- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -