26.7 C
Batangas

Pagsusulong sa People’s Initiative, suportado na ng LMP at LnB

Must read

- Advertisement -

NAGPAHAYAG na nang pagsuporta ang Liga ng mga Munisipalidad sa Pilipinas (LMP) at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LnB) sa isinusulong na People’s Initiative (PI) bilang paraan upang maamyendahan ang ilang mga probisyon ng Konstitusyon ng Pilipinas.

Ang PI ay isa sa tatlong paraan ng pag-amyenda ng Konstitusyon, bukod sa constituent assembly at constitutional convention. Dito ay magkakaroon ang taumbayan ng pagkakataon upang baguhin, ipasa at maipanukala ang mga pagbabago.

Ang suporta ng dalawang liga ay labis na ikinatuwa ni Batangas Governor Dodo Mandanas, isa sa mga nangunguna sa nasabing pagkilos na nagsusumikap na mas mapalakas pa at mapagtibay ang lokal na otonomiya sa buong bansa upang maihatid ang mga pangunahing serbisyo at programa ng mas mabilis at maayos.

Ang LMP at LnB ay mga liga na tumatayong national representatives sa pagtataguyod ng lokal na agenda. Ito ay binubuklod ng ULAP o Union of Local Authorities of the Philippines na kinikilala bilang umbrella organization ng lahat ng liga at samahan ng Local Government Units (LGUs) sa bansa at ng mga locally elected officials.

Matatandaan noong Agosto ay nagpasa ang ULAP ng isang resolusyon na kumikilala at nagpapahayag ng suporta kay Governor Mandanas sa pagsusulong ng karapatan ng mga LGUs na magkaroon ng “just share” o wastong kabahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA), alinsunod sa isinasaad sa batas.

Samantala, patuloy ang isinasagawang information campaign upang maipabatid sa publiko kung ano ang kahalagahan ng layunin ng People’s Initiative na nag-umpisa na sa ilang mga munisipalidad at barangay sa Lalawigan ng Batangas.|Mark Jonathan M. Macaraig

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -