25.9 C
Batangas

Pagtatanim ng hybrid na palay gamit ang drone, isinagawa ng DA-4A sa Batangas

Must read

- Advertisement -

SAN JUAN, Batangas – DALAWANG ektaryang sakahan na pagmamay-ari ng Provincial Hybrid Rice Cluster sa bayang ito ang malawakang tinaniman ng mga hybrid na binhi ng palay sa pamamagitan ng drone kamakailan lamang.

Mula ito sa inisyatibo ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Rice Program katuwang ang New Hope Corporation na nagprodyus ng drone sa layon na mapabilis ang pagpapalaganap ng paggamit ng hybrid na binhi ng palay sa tulong ng makabagong teknolohiya.

Inihahanda ng mga tauhan ng New Hope Corporation ang drone na gagamitin sa drone farming.|

Ang drone ay isang unmanned aerial vehicle (UAV) o panghimpapawid na sasakyang ginagamit sa pagmomonitor ng lupang sakahan, pagtatanim, pagdidilig, at pag-spray ng pestisidyo.

Aabot sa anim (6) na minuto kada ektarya ang nataniman ng hybrid na binhi ng palay gamit ang drone base sa isinagawang demonstrasyon sa San Juan.

Bahagi rin ang aktibidad ng pagsubaybay ng kagawaran sa sistema ng produksyon ng Provincial Hybrid Rice Cluster ng San Juan mula sa pagbababad ng binhi at pagdaan sa incubation hanggang sa pagtatanim ng mga hybrid na binhi.

Ayon kay Melchor Namuco, ang tumatayong pangulo ng Masaganang Magsasaka ng Barangay Talahiban Uno at Dos, napakapalad ng kanilang cluster na makasaksi ng makabagong pamamaraan upang mas mapadali ang kanilang pagsasaka. Buhat dito ay lalo silang nabigyan ng dagdag inspirasyon na manatiling aktibo bilang samahan kasama ang Kagawaran ng Pagsasaka.|Danica T. Daluz

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -