#EtoNaNga | BATANGAS — NAGPATULOY nitong Biyernes, Hulyo 26, ang pamamahagi ng Educational Assistance sa mga Iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa 2nd Semester ng Academic Year 2023 – 2024 sa Laurel Park Capitol Site , Batangas City.
Umabot na sa 483 mag-aaral na kabilang sa mga maintainer scholars ang nabigyan ng tulong pang-edukasyon, na may kabuuang halagang ₱1.9 Milyon.
Nito namang nakalipas na linggo ay nagbukas muli ang pagpapasa ng requirements ng mga bagong applicants sa scholarship program ng pamahalaang panlalawigan.|-B