By JOENALD MEDINA RAYOS
SINIMULAN na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang pag-aaral sa panukalang pagbuo ng sariling kolehiyo ng lalawigan ng Batangas upang higit na maihatid ang serbisyong pang-edukasyon sa mga kabataang Batangueño.
Nitong Lunes ng umaga, iniisa-isang talakayin sa pagdinig ng Committee on Education sa pamumuno ni Board Member Glenda Bausas ang mga rekisitos ng panukala na inilatag ng executive department, batay sa ipinadalang liham ni Gobernador Hermilando I. Mandanas.
Sa ilalim ng panukala, ilan sa mga unang kursong ituturo sa naturang kolehiyo ay ang Bachelor iof Science in Elementary Education, Bachelor of Science in Secondary Education, Bachelor of Science in Accountancy, Bachelor of Arts at Bachelor of Science in Computer Science, gayundin ang mga non-degree programs gaya ng Computer Technology at Hotel and Restaurant Management.|- bnn