25.9 C
Batangas

Parangal sa Unang Kura ng Malvar, Obispo Obviar

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

MALVAR, Batangas – LUBOS ang kagalakan ng mga residente ng bayang ito habang ginugunita ang sentinaryo ng pagkapari ng kanila kauna-unahang kura paroko –si Veberable Alfredo Maria Obviar.

Unang naglingkod bilang kura-paroko ng Parokya ng Inmaculada Concepcion sa bayan ng Malvar si Obispo Obviar matapos na maordenang pari noong Marso 15, 1919. May espesyal na tatak sa puso ng mga Malvareño ang banal na Obispo Obviar dahil siya ang kauna-unahang Kura Paroko ng Malvar, na boon ay Barrio Luta, sakop ng bayan ng Lipa.

Halos abot-kamay na ang pagiging santo ng banal na lingkod matapos siyang kilalanin ni Papa Francisco si Obispo Obviar bilang venerable (kapami-pamintuho).

Ayon kay Mayor Cristeta Reyes hindi malilimutan ng bayan ng Malvar ang biyaya na magkaroon ng isang Obispo Obviar na naging inspirasyon niya bilang lider ng bayan, ang kanyang pagmamahal sa kapwa at pagpapalaganap ng kabutihan gamit ang salita ng Diyos.

Si Alfredo Obviar ay ipinanganak  sa Lipa Batangas  at kaisa isang anak ni Telesforo Obviar  at Florentina  Catalina Aranda.

Isinilang bilang kaisa-isang anak nina Telesforo Obviar at Florentina Catalina Aranda sa Lipa, Batangas at naulila sa edad na apat na taong gulang pa lamang. Sa pag-aaruga ng kaniyang mga kamag-anak, nakapasok sa paaralan ang batang si Alfredo  hanggang sa marinig ang tawag ng Panginoon.

Pumasok si Obviar sa seminaryo ng mga Heswita noong  1907 at tinapos niya ang kursong Liberal Arts  sa Ateneo de Manila.

Pinagpatuloy ni Obviar ang kanyang pagpapari at tinapos ang teolohiya sa seminaryo sentral ng Unibersidad ng Sto. Tomas.

Nagnilbihan bilang lingkod-pari ng bayan ng Malvar at Lungsod ng Lipa si Obviar ay itinalaga rin bilang Bikaryo Heneral ni Obispo Alfredo Verzosa ng noon ay Diyosesis ng Lipa. Di kalaunan, itinalaga rin siyang maging Obispo Oksilyar ng Diyosesia ng Lipa.

Tumayo  rin si Obviar  bilang tagakumpisal  at tagapangalaga ng mga madreng Karmelita sa Lipa Carmel

Naging pokus ng kaniyang ministeryo bilang kura paroko ng Malvar at Lipa ang pagpapalakas ng pagtuturo ng Katesismo ng Doktrinang Kristiyano na siyang nagging pundasyon ng kaniyang pagtatatag ng Missionary Catechists of St. Therese of the Child Jesus, isang konggregasyon ng mga madreng katekista, para makatulong niya sa pagtuturo ng Doktrina Cristiana sa Diyosesis ng Lucena.

Kauna-unahang Obispo ng Diyosesis ng Lucena mula ng itatag ito noong 1950 hanggang siya ay magretiro noong 1976.

Binuksan ang proseso ng kaniyang pagiging santo ng Diyosesis ng Lucena at ipinagkaloob ng CCS ang “Nihil Obstat”(walang hadlang) sa pangdiyosesis na proseso noong 2001. Naipagkaloob ang decree of validity noong 2007 at sinimulan ang “Roman Phase”. Noon namang taong 2014, isinumite na ang “Positio” at natapos lamang ang pagrerebyu ng mga teologo noong nakalipas na taong 2017.

At noong Nobyembre 8, 2018, ipalabas ni Papa Francisco ang dekreto nitong naghahayag na ang mabunying Obispo Obviar ay isa ng “venerable” (kapami-pamintuho) o maitututring na modelo ng kabanalan. Sa pamamagitan din ng dekretong ito, kinikilala ng Santo Papa ang uliran at makabayaning pagsasabuhay ni Obispo Obviar ng mga katangian ng isang mabuting Kristiyano.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -