26.9 C
Batangas

Patuloy na quarrying dikit sa Banahaw Protected Landscape, lubos na ikinababahala ng publiko

Must read

- Advertisement -

SARIAYA, Quezon – PALAISIPAN pa rin ngayon sa mga residente ng bayan ng Sariaya at sa mga environment advocates ang mistulang kawalan ng kongkretong aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), partikular ng Protected Area Superintendent para agarang solusyunan ang patuloy na pagku-quarry sa halos hangganan na ng Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape (MBSCPL).

Ito’y sa kabila ng pagpapatigil na ni Mayor Marcelo Gayeta ng ano mang uri ng pagpapasabog sa mga quarry sites na lubos na ikinababahala ng mga mamamayan.

Nitong nakalipas na linggo, ipinatawag ng Sangguniang Bayan ng Sariaya, sa pangunguna ni Vice Mayor Alex Tolentino sa isang pulong sa konseho ang mga stakeholders ng quarrying sa Sariaya. 

Ayon sa pahayag sa kapulungan ni PMRB vice chairman Engr. Rommel Sarmiento na sinang-ayunan naman ni OIC-MENRO Randy Tronilla, humigit-kumulang na lang sa 60 metro ang distansya sa mismong protected area ang approved permittee na si Mr. Rafael N. Tantuco, Sr. 

Kinumpirma naman ni G. Magtanggol Barrion, kinatawan ni PASu Josephine M. Barrion, na wala pang aprubadong bufferzone ang Mt. Banahaw. Ani Barrion, mahirap umanong magdeklara ng buffer zone dahil may mga pribadong lupain na masasaklaw ng panukalang 1-kilometer buffer zone at ito aniya’y magiging malaking sakit ng ulo ng sinumang magpapatupad nito.

Bukod kay Tantuco, may iba pang quarry permitees sa Sariaya gaya nina Cabaysa, Hernandez, Barsaga at Ilao na pasok sa panukalang 1-km buffer zone.

Patuloy na ikinababahala ng mga Sariayahin ang patuloy na quarry operations malapit sa protected area bunsod ng mapait na karanasan nila nang wasakin ng malaking baha sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rosing ang mahabang tulay ng Sariaya noong 1995.

Bukod dito, alam ng publiko na mismong si dating Phivolcs Director Raymundo Punongbayan ang nagsabi na ang Bundok ng Banahaw ay isang hubay na bulkan at may mga buhay na fault lines na sensitibong magalaw at maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian ng mga Sariayahin at mga mamamayan ng mga kalapit-bayan. 

Gayundin, dapat isa-alang-alang na ang lugar ng Lagnas at Janagdong river ay kapwa may mataas na antas ng geohazards batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa kaya’t kung pababayaan ang walang habas na pagku-quarry sa Sariaya ay maaaring malagay sa peligro ang buong bayan.

Sa kabuuan ng pagpupulong ay malinaw na nalaman natin na patuloy pa rin ang illegal quarrying sa laylayan ng Banahaw at ang ligal na may permit sa PMRB pero iligal sa munisipyo ng Sariaya dahil walang business permit. At ang ligal na may permit pero 60 meters na lang ang layo sa deklaradong protected area ng Banahaw. 

Umaasa naman ang mga environment advocates na bibigyang-pansin ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang pahayag ni PGENRO John Lozano ukol sa itinatadhana ng Section 102 ng Environmental Code na kailangang magdeklara ng ang lalawigan ng mga lugar kung saan lamang pwede at kung saan ibabawal ang mga mining at quarrying activities.

Sa kabilang dako, nagpalabas na ng Executive Order si Mayor Marcelo Gayeta na nagpapatigil na ng tuluyan sa pagpapasabog na kinatakutan ng mga Sariayahin.| – Jay Lim

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -