PORMAL nang umarangkada ang bakunahan ng mga kabataang may edad 5-11 taong gulang sa Batangas City kasunod ng kick-off ceremony, ganap na ika-8:00 ng umaga sa SM City Batangas, ngayong Araw ng mga Puso, Pebrero 14.
Peronal na sinubaybayan nina Mayor Beverly Rose A. Dimacuha at Congressman Marvey A. Mariño ang pagbabakuna ng City Vaccination Team sa pamumuno ni Dr. Rose Barrion, City Health Officer.
Ayon kay Dr. Barrion, nasa 44,216 kabataang Batangueño ang target na mabakunahan, kung kaya nasa 1,500 kabataan ang target na mabakunahan araw-araw sa SM City Batangas, ang itinalagang vaccination site.
Nananawagan si Mayor Dimacuha sa mga magulang na bigyang prayoridad ang pagpapabakuna sa kanilang mga anak upang tuluyang maproteksyunan ang mga pamilya laban sa Covid-19.
Lubos naman ang pasasalamat ni Cong. Mariño sa pangasiwaan ng pamahalaang lungsod sa pagtututok sa ligtas at maayos na bakunahan; sa pamahalaang nasyunal sa paglalaan ng sapat na bakuna; at sa pangasiwaaan ng SM City Batangas sa paglalaan ng maayos at ligtas na vaccination site.| – BNN / Joenald Medina Rayos