27.9 C
Batangas

PHIVOLCS: Alert Level 4 ng Bulkang Taal, di pa maaaring ibaba

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – MANANATILI pa ring nakataas ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal sa kabila ng unti-unti nitong pananahimik sa nakalipas na ilang oras.

Ayon kay DOST undersecretary and Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Ricardo Solidum, bagaman at walang malalakas na paglindol na nararanasan sa mga nakalipas na oras, ang mahihinang paggalaw ng lupa, pagbabago sa Pansipit River at mga pagbabago sa mga fissures o bitak sa lupa ay nangangahulugan ng patuloy na paggalaw ng magma at pag-iipon ng lakas para sa isang mas malakas at mapaminsalang pagsabog ng bulkan.

Mula ng pa noong Linggo, nagsimula nang magkaroon ng mga bitak sa lupa na nasundan pa ng pag-urong ng tubig sa baybayin ng lawa at pagka-iga ng tubig sa Ilog Pansipit.

Ayon pa sa Phivolcs, maaaring ang pagkaiga ng tubig sa Ilog Pansipit ay bunga ng patuloy na pag-init ng kalupaan o pagkakabitak sa riverbed dahil sa pagtaas ng magma.

Samantalang pinayagan ng ilang local officials na magkaroon ng window hours mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga upang magkaroon ng panahon na bisitahin ng mga residente ang kanilang mga naiwang tirahan at mga alagang hayop, binigyang-diin ng Office of Civil Defence (OCD) na lubhang mapanganib pa rin ang pumasok sa mga locked down areas na nasa 14-km radius mula sa main crater ng bulkang Taal.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Kamote on wheels

0
HAVE you ever been stuck in traffic—tired, frustrated—when, out of nowhere, a motorcycle cuts through dangerously close, jolting you awake? Chances are, you have...
IN the vibrant and chaotic terrain of politics, one wonders at the relentless allegiance many people show toward politicians with dubious credentials and moral...
Biologists from the University of the Philippines Diliman – College of Science, Institute of Biology (UPD-CS IB) call for further and more in-depth surveillance...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -