Elevating Human Resource Management to a level of excellence. Iginawad ni CSC-Batangas Provincial Director Allan Poe Carmona ang Certificate of Recognition kay Dr. Rolando A. Tumambing, OIC-PHRMO, para sa kanyang natatanging kontribusyon upang makamit ng Pamahalaang Panlalawigan ang PRIME-HRM Maturity Level II. Kasama sa larawan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Prov. Admin. Levi Dimaunahan at Provincial Public Order and Safety Department Head Atty. Genaro S. Cabral.| Photo by Jhay-Jhay Pascua
By Mark Jonathan M. Macaraig
BILANG pagkilala sa pagsusumikap na mapalawig ang pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas tungo sa mahusay na paghahatid ng serbisyo sa publiko, iginawad ng Civil Service Commission (CSC) ang Certificate of Recognition para sa kategoryang Individual Award kay Dr. Rolando A. Tumambing, Officer-In-Charge ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), sa isinagawang 25th Region 4 Annual Conference of the Human Resource Management Practitioners (CHRMP) kamakailan sa Odiongan, Romblon.
Kaugnay nito, personal na iginawad ni CSC-Batangas Provincial Director Allan Poe Carmona sa Flag raising Ceremony ng kapitolyo noong Lunes ang parangal na kumikilala kay Dr. Tumambing para sa kanyang pagsisikap na masiguro ang matagumpay na implementasyon ng PRIME-HRM (Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management).
Ang PRIME-HRM ay isang mekanismong nagpapalakas sa mga ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang kakayahan, mga sistema, at mga kasanayan patungo sa human resource excellence.
Ang programang ito ng CSC ay naglalayong maiangat ang human resource management sa mga tanggapan ng gobyerno upang makaagapay sa mas mataas na pamantayan alinsunod sa international standards at mapalawak pa ang kakayahan ng mga naglilingkod o nagbibigay serbisyo sa publiko.
Sa katunayan, bilang resulta ng ibayong pagsisikap na mas mapaganda pa ang kalidad ng serbisyo, nakuha ng Batangas Provincial Government ang akreditasyon para sa regional level ng PRIME-HRM Maturity Level II sa apat na core HR systems na kinabibilangan ng (1) Recruitment, Selection & Placement, (2) Performance Management, (3) Learning and Development at (4) Rewards and Recognition.
Sa mensahe ni Director Carmona, nakamit ng Pamahalaang Panlalawigan ang nasabing parangal dahil sapagkakaroonnitong mgaprogramatulad ng pagkilalasamgakawani, mas pinaraming training programs at sa masusing deliberasyon ng bawat performance rating ng mga empleyado na dumadaan sa calibration ng Performance Management Team (PMT) ng bawat opisina. Dagdag pa niya, sa pinagsamang husay at sipag ng mga naglilingkod sa tanggapan ng PHRMO, malaking tulong din ang suporta ng bawat isang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakatamo ng pagkilala.
Samantala, binigyang-diin ni Director Carmona na apat lamang na ahensya sa buong CaLaBaRZon at MiMaRoPa ang nakatungtong sa Maturity Level II at kabilang na nga ang tagumpay na nakamit ng Batangas Provincial Government.|#BALIKAS_News