31.1 C
Batangas

Pinsala ng fishkill sa Batangas, nasa P50-milyon na!

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LAUREL, Batangas — TINATAYANG umabot na sa halos P50-milyon halaga na ang naging pinsala ng malawakang fishkill sa Lalawigan ng Batangas nitong nakalipas na linggo.

Sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources – Regional Office 4A, naitala sa mahigit 605 metriko tonelada na ng tilapia ang naitalang napinsala sa may 121 fish cages sa Brgy. Boso-boso at Brgy. Gulod sa bayan ng Laurel at Brgy. Bañaga sa bayan ng Agoncillo.

Ayon kay DENR 4A Regional Executive Director Maria Paz Luna, sa pagtaya ni APAsu Jasmine Endaya na ang average farm gate price ng tilapia na P71 kada kilo, nasa P42,955,000.00 na ang tinatayang napinsala ng fishkill sa tatlong barangay na nabanggit. Ngunit kung ibabatay ito sa umiiral na bilihan ng tilapia sa mga lokal na pamilihan na P80-P100 kada kilo, naglalaro na sa P50-milyon ang tinatayang pinsala nito sa indus-triya ng pangisdaan.

Nabatid pa na halos nasa harvestable stage na rin ang mga nasabing isda at bukod pa sa 121 fish cages na napinsala, at hanggang sa noong tanghali ng Biyernes, Mayo 31, mayroon pang 33 fish cages na kailangang maihango kaagad, ayon pa sa ahensya.

Itinuturong dahilan ng malawakang fishkill ang biglaang pagbaba ng lebel ng dissolved oxygen sa Lawa ng Taal, bunsod ng pagbabago sa temperatura ng tubig sa lawa at pag-imbak ng mga hindi na-consume na pakain sa mga isda, dahilan para hindi makahinga ang mga ito at mangamatay.

Nilinaw naman ni Luna na hindi sila nagkulang ng pagbibigay babala at paalaala sa mga may-ari ng fish cages na hanguin na ang kanilang mga alagang isda ilang linggo bago pa naganap ang fishkill sapagkat batay sa monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay patuloy ang pagbaba ng lebel ng dissolved oxygen sa lawa.

Unang naitala ang fishkill noong Lunes, Mayo 27 kung saan ay 10 fish cages lamang ang unang naapektuhan, ngunit sa paglipas ng mga araw, umabot nga ito sa 121 fish cages noong Biyernes.
Ipinag-utos naman ng Protected Area Management Board (PAMB) Execom ang mga may-ari ng fish cages na kaagad na hanguin ang mga namatay na isda at ibaon ito sa ginawang mortality pit o hukay para pagbaunan ng mga namatay na isda, ngunit maging ang nasabing hukay ay nangapuno na rin.

Magugunitang unang nagsimulang maghigpit ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pagtatayo ng mga fish cages sa Lawa ng Taal noong taong 2006 kung saan ay itinakda sa 6,000 fish cages lamang ang papayagang maitayo sa lawa sapagkat ito lamang ang carrying capacity ng lawa.

Taong 2011, iniulat ng DENR na umabot na rin sa 14,000 fish cages ang naitayo sa lawa, kung kaya’t naghigpit ang binuong Task Force na maibaba sa 6,000 lamang ang ititirang fish cages at kailangang rehistrado ito sa pamahalaang panlalawigan at nilagyan pa ng mga plaka.

Matatandaang noon lamang huling linggo ng Enero ngayong taon, umabot na sa halos P7-mil-yong halaga ng isda ang naging pinsala ng fishkill sa Lawa ng Taal bunsod na rin ng sulfur upwelling na nagpababa rin sa lebel ng dissolved oxygen sa lawa.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -