31.1 C
Batangas

Post-graduate scholarship para sa mga cityhall employees

Must read

- Advertisement -

By LOUISE ANNE C. VILLAJUAN

LUNSOD NG TANAUAN, Batangas – Isang scholarship program ang inilunsad ng Pamahalaang Lunsod ng Tanauan para sa mga natatangi at karapat-dapat nitong kawani na nagnanais na makapagtapos ng kursong Master in Public Administration o MPA.

Layunin ng nasabing programa na siguraduhin ang kahandaan ng mga kawani nito na humawak at gumanap sa mas mataas na katungkulan kapag hinihigi ng pagkakataon.  Isinusulong din nito na higit na maiangat pa ang antas ng propesyonalismo sa loob ng pamahalaang lunsod at ang pagpapalakas ng burokrasya sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan nito.

Photo by RODERICK LANTING

“We will raise the bar of public service in the city government of Tanauan by professionalizing our ranks,” ang pahayag ni Tanauan City mayor Antonio C. Halili makaraang pagtibayin sa isang simpleng seremonya ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lunsod ng Tanauan at Lyceum of the Philippines University Batangas Campus (LPU-Batangas), ang napiling unibersidad para sa nasabing programa.

Matapos ang isang puspusan at mahigpit na pagsusulit, 15 empleyado mula sa iba’t ibang departamento nito ang nahirang at nakasama sa unang batch ng mga “city scholars” na nakatakdang magsimula sa pagbubukas ng academic school year 2018-2019.  Hinamon sila ni City Administrator Atty. Herminigildo G. Trinidad, Jr. na tapusin sa takdang panahon ang kanilang pag-aaral sapagkat dito nakasalalay ang pagpapatuloy ng scholarship program ng lunsod.

Sasagutin ng pamahalaang lunsod ang lahat ng matrikula at bayarin ng mga scholars nito na ang tanging kapalit ay ang patuloy na paglilingkod na nakapaloob naman sa isang “Service Contract Agreement”.

Ang MOA para sa naturang scholarship program ay nilagdaan nina Mayor Halili at Atty. Trinidad para sa Pamahalaang Lunsod ng Tanauan, at LPU-Batangas Senior Vice President Erick Badillo at Dr. Flora V. Javier, Vice President for Academic Affairs ng LPU-Laguna, noong Hunyo 5, 2018.|#

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -