MALAPIT na raw mapatunayang guilty sina Noynoy, Garin at Abad sa isyu ng Dengvaxia. Wika nga ni Garin, “Huwag kami ang inyong ha-garin!” Sagot naman ni Noynoy, “Hindi guilty aqui. Noh noh no!” Pahabol ni Abad, “It’s a bad news!” He he he!
Sa pagbomba sa Syria ng mga magkaalyadong US at Israel ay malamang na magresbak ang magkaalyado ring Russia at Iran . Sana maging maingat si Pangulong Duterte sa pagbibigay ng komento hinggil dito at baka ang mapag-initan ng magkabilang alyansa ay ang ating bansa at matulad sa Syria.
Nagpahayag ang China nang pagkontra sa pagbomba ng Syria. May posibilidad na umanib ang China sa alyansa ng Syria, Iran at Russia!
Dapat ay hindi na nagkomento at manahimik na lang si Duterte. Kasi ang pagbibiro niya at pagbawi ang nagpapahamak sa bansa!
Sa dami nang nag-aalyansang mga bansa kontra sa mga alyansa rin ng mga bansa ay naaamoy na ang World War III. Sa buong daigdig ay pinakaligtas daw magtago sa Pinas, kasi mahigit na 7,100 isla ang pwedeng pagtaguan.
Marami pa ring holdapan na nagaganap kahit may umiiral na gun ban ngayon. Sa bagay, para sa sibilyan lang ang gun ban at exempted ang mga holdaper.
Kauumpisa pa lang ng summer season ay nasa katindihan na agad ang tag-init.Parang malapit na uli ang tag-ulan.
Sa panahon ng tag-init, karaniwang uso ang iba’t ibang uri ng sakit. At masakit mang sabihin ay sa panahong ito napakadali ring mag-init ng ulo ng mga tao.
Kapag tag-init ay punumpuno ang mga malls ng mga millenials. Pero kakaunti ang napila sa kahera, kasi nagpapapresko lamang sila! He he he!
Kahit umuulan ay jackpot pa rin ang mga nagtitinda ng halo-halo. Mainit pa rin kasi kahit naulan.
Binanatan ni Fr. Robert Reyes si Pangulong Digong dahil sa pagmumura kay CJ Sereno. Malapit nang murahin ng Pangulo ang maangas na pari.
Sisimulan na ang impeachment trial ni Sereno. Seguradong parang ugong na serena ang ingay sa Senado.
Magtatayo raw ng military base ang Philippine marines sa isang islang malapit sa Babuyan Island at Taiwan. Dapat noon pa ginawa ito sa Spratlys at sana’y hindi na nangyari ang kontrobersiyal na agawan.
Isasarado ng kalahating taon ang Boracay dahil sa maruming tubig. Mas marumi ang Pasig River, Manila Bay at Laguna Lake kasama ang mas maraming estero sa Metro Manila, pero bakit kaya hindi ito ipinasasara. Mukhang hindi patas ang batas na ito?
Pinuri ng CBCP ang mga millenials na nagbi-Visita Iglesia dahil maaga raw silang namumulat sa relihiyon. Lagi talagang silang mulat dahil panay ang selfie.
Matapos malansag ang shabu laboratory sa Ibaan, Batangas ay ecstasy laboratory naman sa Navotas City ang natuklasan na umano’y pag-aari ng mga Intsik. Bahagi kaya ito ng mga negosyo ng mga investors na galing sa China.
Ipapaaresto raw ni Pangulong Digong ang mga ICC members na makikialam sa war on drugs. Sana huwag silang mangagaw ng baril.
Nagpapakatotoo lang daw si Mark Bautista kaya walang lovelife. Ayaw daw talaga niya ng babae. Ang gusto raw niya ay si Piolo Pascual.
Hindi maubos-ubos ang mga pulis na dawit sa mga krimen at iligal na droga. Basta ang mahalaga ay natetepok din sila kapag nanlaban,
Katakut-takot na kaso ang kakaharapin ni ex-P-Noy. Marami na ang naghihintay sa kanya sa loob na kinasuhan niya nang walang laban.
Wala nang nanghuhuli ng lumang dyipni. Naawa rin pati mga awtoridad.|