26.1 C
Batangas

Punumbarangay sa Lipa City, patay sa ambush

Must read

- Advertisement -

In photo: Sasakyan ng biktima (mula sa videograb ni Edgar Rodelas); at larawan ng biktima muals a kaniyang facebook account.

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City — BINAWIAN ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa isang pribadong ospital sa lungsod ang isang punumbarangay matapos tambangan pasado alas-syete ng gabi, Sabado, Nob. 24.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Napoleon Laguerta Sambayan, punumbarangay ng Brgy. Anilao Proper, lungsod na ito.

Sa paunang ulat ng Lipa City Police Station, nabatid na minamaneho ng biktima ang kaniyang Mitsubishi Sedan Mirage na may plakang AWA-9910 sa kahabaan ng P. Torres St., Brgy. Antipolo Del Norte sa lungsod nang sunud-sunod itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek na kaagad ding tumakas sa direksyon ng patungong Padre Garcia sakay ng isang kotseng sedan, dala ang ginamit na di pa matukoy na kalibre ng baril.

Kaagad namang isinugod ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa NL Villa Memorial Medical Center upang malapatan ng agarang lunas ngunit nabigo ang mga doktor na maisalba ang buhay ng opisyal.

Patuloy pang isinasagawa ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente samantalang tinutugis na ng mga alagad ng batas ang tumakas na salarin.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

SAN JUAN, Batangas – DALAWANG ektaryang sakahan na pagmamay-ari ng Provincial Hybrid Rice Cluster sa bayang ito ang malawakang tinaniman ng mga hybrid na binhi ng palay sa pamamagitan ng drone kamakailan lamang. Mula ito sa inisyatibo ng Department of...
By JOENALD MEDINA RAYOS ACTING on his previous pronouncements that vacant key positions in his administrations will be filled-up following the lapse of the one-year imposed on the appointment of political candidates who unsuccessfully ran during the May 9, 2022...
On June 5, the United Nations’ (UN) World Environment Day, the Aboitiz Group proudly demonstrates its commitment to global sustainability efforts by highlighting its groundbreaking innovations in the fight against plastic pollution. With this year’s theme of #BeatPlasticPollution, the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -