29.1 C
Batangas

Queuing system sa sakayan at babaan ng pasahero, ipapatupad sa Batangas City

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City — (Updated) KAILANGAN nang magpatupad ng isang maayos na regulasyon sa pagsasakay at pagbababa ng mga pasahero sa mga designated loading at unloading areas sa lunsod upang matiyak ang seguridad at magkaroonn ng kaayusan sa sektor ng transportasyon.

Ito ang buod ng resolusyong inihain ni Kagawad Oliver Macatangay sa sesyon ng Sangguniang Panlunsod noong Martes, na humihikayat sa Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) na ipatupad ang “queuing policy” o pagpapapila ng mga pasahero sa loading at unloading areas sa poblacion.

Pahayag nu Macatangay, kapansin-pansin ang pagbunton ng mga tao sa mga loading at unloading areas lalo na kung rush hour kung saan ang mga ito ay nag-uunahan sa pagsakay sa jeep.

Nagiging magulo at maaaring maging dahilan ng injury aniya kapag ganitong naguunahan sa pagsakay sa jeep ang mga tao.

“Nararapat na maging disiplinado ang mga tao kahit sa simpleng pagpila upang maging maasyos at ligtas ang kanilang pagsakay sa jeep. Binibigyang pahalaga rin ng resolusyong ito ang mga persons with disability (PWDs) at senior citizens na magkaroon ng bukod na pila at maka upo sa unang upuan ng sasakyan na sadyang laan para sa kanila,’’ dagdag pa ng konsehal.

Ang mga traffic aides ng TDRO ang mangangasiwa ng pagpapapila na gagawing first come first served. Makikipag-usap si Macatangay sa OIC ng TDRO na si Engr. Francisco Beredo kung pwedeng magdagdag ng traffic aides dahilan sa karagdagang tungkulin ng mga ito.

Pahayag naman ng ilang drayber ng mga pampasaherong dyip na sa pagpapatupad ng queuing system ay mawawala na ang maraming barker na kadalasang siyang humaharang sa ibang pasahero bukod pa sa nakaaagaw pa sa kita ng mga drayber.

Nakikipag-ugnayan din ang konsehal sa TDRO sa posibilidad ng pagkakaroon ng shelter sa mga loading and unloading areas upang may masilungan ang mga tao kapag mainit o umuulan.

Ikinatuwa naman ng ilang mananakay ang panukalang ito at sinabing dapat ay noon pa ito naipatupad.

“Napakagandang resulusyon yan, mabuti at napansin nyo ang walang kaayusang pila ng mga pasahero sa loading at unloading areas, na halos yong iba ay naka pwesto na malapit na sa gitna ng kalsada. Hindi talaga safe sila don, kasi kung may mabilis na tumatakbong sasakyan, na hindi makontrol ang preno, mayayakyak talaga sila,” komento ni Bheng Mando, residente ng lunsod.

Sinabi naman ni Macatangay na magkakaroon muna ng dry run bago tuluyang ipatupad ang queuing policy upang maihanda ang publiko sa sistemang ito.|May ulat ni Jerson J. Sanchez / #BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Think about your family's future. What do you see? Perhaps it's your child graduating with flying colors from a top university, your dream business finally...
A Catholic bishop has lamented the continuing support for former President Rodrigo Duterte’s violent anti-drug campaign, which has led to a spike in the...
Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -