26.1 C
Batangas

Re-electionist councilor, pumanaw bago maiproklama

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City — HINDI na nahintay ng isang tumakbong kagawad ng isang barangay sa lunsod na ito ang pagkakataong maiproklamang muli bilang kagawad. Ito’y matapos bawian ng buhay umaga ng Mayo 14, araw ng eleksyon.

Pahayag ni Atty. Grollen Mar Liwag, city election officer, ipoproklama pa rin ng Barangay Board of Election Canvassers ang pagkapanalo ni Kagawad Maximo Lumanglas bilang pampitong kagawad ng Sangguniang Barangay ng Poblacion 21.

Alinsunod sa Resolusyon Blg. 10331 ng Commission on Elections an may petsang Mayo 10, 2018, at Resolusyon Blg. 10329 na may petsang mayo 9, 2018, sakaling mamatay ang isang kandidato bago sumapit ang halalan o sa araw mismo ng halalan, maaaring mapalitan ang kaniyang kandidatura ng kaniyang asawa, ngunit kailangang ihain ang Certificate of Candidacy (COC) ng kapalit (substitute) na kandidato sa Board of Election Tellers ng lunsod o bayan na nakakasakop sa barangay na tinatakbuhan niya hanggang sa alas-dose ng tanghali ng Mayo 14, araw ng halalan.

Dagdag pa ni Liwag, sapagkat hindi naghain ng substitution ang maybahay ni Lumanglas, ipababahala nila sa Law Department ng Comelec kung paano bibigyang solusyon ang pampitong puwesto sa Sangguniang Barangay na nabanggit.

Hindi naman inihayag ng opisyal ang dahilan ng pagkamatay ni Lumanglas.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Even while undergoing cancer treatment  (he goes to Singapore for chemotherapy every two weeks), Ginebra Gin Kings stalwart LA Tenorio remains active in worthy projects outside of basketball. Just recently, he helmed the pilot episode of San Miguel Corporation’s (SMC) newest...
AS part of its environmental sustainability initiatives, Aboitiz Construction recently partnered with National Power Corporation (NAPOCOR) to adopt a 1.6-hectare tree planting site in the Makiling-Banahaw Geothermal reservation area for three years.  Under NAPOCOR’s Energy Sector Carbon Sequestration Initiative, private...
LIPA City – House Deputy Speaker and Batangas (6th District) Rep. Ralph Recto on Friday urged the Senate to pass the House-approved measure allowing persons with disabilities (PWDs) to vote early during elections in order to provide PWDs an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -