26.7 C
Batangas

Regulasyon sa paggamit ng videoke, at iba pang ingay, inihain sa Sanggunian

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

 “SA panahong ito na ang ating mga kabataan ay naninibago pa sa kanilang pag-aaral gamit ang iba’t ibang learning modalities, higit din nilang kailangan ang tulong ng publiko para maging kaaya-aya sa kanilang pag-aaral ang mga komunidad na kanilang kinabibilangan, kaya naman kailangan din nating aksyunan ang bagay na ito.”

Ito ang pahayag ni Board Member Arlina Bantugon-Magboo sa kaniyang paghahahin ng isang panukalang ordinansa sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan.

“Ating isinusulong na mapagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang isnag Ordinansa sa Pag-regulate sa paggamit ng videoke machines at pagbabawal ng paggamit nito mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, upang matiyak ang katahimikan ng kapaligiran at hindi maisturbo ang mga batang nag-aaral sa kani-kanilang tahanan,” paliwanag pa ni Magboo.

Kasama ring ipagbabawal ang operasyon ng mga latero at mga welding shops sa mga highly-residential areas upang matiyak na walang unnecessary noise na madidinig ang mga bata, lalo na iyong na-attend sa mga online classes.

Samantala, nanawagan naman si Board Member Arthur Blanco sa publiko, partikular sa mga magulang ng mga batang nagsisipag-aral gamit ang online modality na maglaan ng ekstrang oras para magabayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng mga gadgets ngayong naka-online classes sila.

Ani Bokal Bart, “maraming mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa iba’t ibang online games at pagbrowse sa mga di-kanais-nais na internet sites, kaya dapat silang magabayan hanggant maaga.”

“Maraming kabataan ngayon ang napupuyat at nauubos ang mga oras sa paglalaro ng online games, kaya ang panawagan natin sa mga magulang, ay subaybayan ng maayos ang mga kabataan upang di masayang ang panahong dapat sana ay kanilang ipinag-aaral,” dagdag-pahayag pa ni Bokal Blanco.|-BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

SA patuloy na pagsusulong sa paggamit ng teknolohiyang sisiguro sa pagpapabuti ng nutrisyon at kalusugan ng mga mamamayan, sumailalim ang tatlong MSME technology adopter ng Cavite sa “Virtual Technology Transfer Training on the Production of Enhanced Nutribun Carrot Variant...
THE Philippine government, particularly the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), the Philippine Coast Guard (PCG) and the Department of Environment and Natural Resources (DENR), was rushing on daily basis to contain the spread of an oil...
FILIPINOS are known for their diligence, perseverance, and diskarte, these attributes alone aren't enough without a proven tool to help you take the leap to success. Here is how Bajaj – The World’s No. 1 Three-wheeler became their key to success: No. 1...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -