28.9 C
Batangas

Rescuers sa Cordillera landslide, naging biktima

Must read

- Advertisement -

ISANG taga-Davao ang paborito ni P-Duterte na maging ikatlong Telecom. Segurado raw isang kroni ito dahil naging naging campaign fund donor ito at halatang inaapura talaga ni Duterte.

Nakuha rin daw ng manok na ito ng Palasyo ang provisional license para sa gaming resort sa sa Lapu-Lapu City. Kunsabagay ay nakatulong naman ang pera niya na maging pangulo si Duterte. Kaya, heto, siksik at apaw pa ang kapalit.

- Advertisement -

Isang linggo nang malungkot si Trillanes sa Senado, kasi ibinaon na siya sa limot ng media. Inagawan siya ng eksena ni Ompong!

Tunay na mababagsik na bagyo ang humahagupit sa bansa, pero wala talaga tayong magawa, sapagkat, ito raw talaga ang law of nature. Dapat magpanukala sa Senado na i-abolish ang law na ito.

Binawasan daw ng P35 billion ang budget ng DOH. Tinatayang 15,000 health workers, kasama ang mga doctor at nurses ang magiging tambay. Whew!

Isang construction worker sa Dagupan City ang araw-araw ay inaaway daw ng misis niya dahil laging kapos ang sweldo sa pagtaas ng mga bilihin. Walang naisip na solusyon si mister kundi magbigti na lang hanggang mamatay!

Iginuho ni bagyong Ompong ang isang kapilya sa Itogon, Benguet at 35 ang nalibing ng buhay at 43 ang na-trap at hinuhukay pa. Wika ni P-Duterte,” Bobo kasi ang mga pari diyan!” Haynaku!

Kapos daw at mahina ang mga gamit ng engineering group sa Baguio, kaya pati disaster responder ay natabunan ng landslide.  Onli in da Pilipins – ang mga rescuers ang naging biktima.

Malakas na buhos ng ulan imbes na napakalakas na hangin ang talagang panalanta ni Ompong di tulad ng nakakatakot na paglalarawan ng PAGASA  forecaster. Mabuti na lang at palpak ang hula at hindi masyadong madami ang sakuna.

May ilalabas daw expose galing sa Israeli intelligence report si Duterte tungkol sa usapang kudeta ni Trillanes at NPA. Ito ang Hello Garci Part II.

Ayaw nang umuwi ni Trillanes sa kanyang bahay at baka raw madali siya ng riding-in-tandem. Rerentahan na lang niya ang Senado.

Dahil sa bagyo ay nagkakaubusan daw ng supply ng gulay. Magkakarne na lang ang mga vegetarian.

P54 na ang halaga nang palitan ng dolyar. Tuwa pa rin ang mga mahihirap na pinapadalhan ng mga OFWs!

Nagkakainisan na si Xi Jin Ping ng China at si P-Digong. Pero hindi sila nagmumurahan.

Mukhang ayaw na ni P-Digong sa interview ng media tungkol sa mga isyu. Siya na lang ang naghahanda ng sariling interviewer. Baka kasi pumatok ang talk show nila ni Salvador Panelo.

Tatlong dam ang nagpakawala ng tubig dahil sa bagyong Ompong. Pero sa kabila nang pagbaha at pag-apaw ng mga tubig sa ilog ay patuloy pa rin ang pagtaas ng singil ng Maynilad! Sobra na nga ang tubig nila piñatas pa!

***

May reward na P500,000 ang gobyerno sa makapagturo kay Peter Lim. Pero sa ordinaryong pusher ay P5 milyon ang patong sa ulo ng gobyerno patay o buhay. Bakit kaya?

***

Bagsak din ang ekonomiya ng US at China. Patay ang mga Pinoy sa gutom.

***

Mahigpit daw talaga ang kampanya ng military kontra NPA kaya wala na silang mapagtaguan. Pwede raw silang maki-share kay Trillanes sa Senado.

17 Abu Sayyaf na naman ang napatay sa Cagayan De Oro City. Malapit na silang maging Ubos Sayyaf.

Nagresayn na raw ang NFA chief. Natakot siyang kainin ng bukbok.

Ayaw pa ring magbitiw ni Manny Pinol. nangingitim na nga eh, kumakapal pa raw ang kanyang mukha!|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article