MAHIGIT 300 retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), mga dating opisyal ng pamahalaan, empleyado at rebel returnees ang nanawagang ibasura agad sa lalong madaling panahon ang kasunduang pinasok ng Commission on Elections (Comelec) sa Rappler.
Sa isang kalatas na tinawag nilang “Manifesto for Unity, Peaceful and Honest Election,” nais ng mga dating opisyal na masiguro na magiging maayos ang inaabangang May 9, 2022 national elections.
“Whereas, we call upon the Comelec and Smartmatic to ensure the conduct of a credible and honest election this May 2022 so that the true will of the people will prevail and be protected,” anang manifesto kasabay ng pagsasabing tiwala rin sila sa AFP at PNP officials na mapangalagaan ng mga ito ang interes ng taumbayan.
Dahil dito, mariin nilang tinutulan ang kasunduan ng Comelec at Rappler na anila ay labis lamang makagugulo at makasisira sa kredibilidad ng halalan at posible pang lumikha ng kaguluhan.
“Whereas, we disapprove the partnership entered into by Comelec with Rappler for fact-checking, poll-related content production, and voters’ awareness promotion during the election season. As stated by the Office of the Solicitor General (OSG), the People’s Lawyer, such arrangement is encroaching the powers and rights of COMELEC. Moreover, this arrangement endangers the credibility and integrity of the electoral process and puts the will of the people at risk. We call upon COMELEC to immediately rescind this Memorandum of Agreement (MOA);” sabi pa sa manifesto.
Nanawagan din ang mga opisyal sa lahat ng kandidato para sa malinis na kampanya at maayos nilang iharap sa taumbayan ang kanilang plataporma de gobyerno at iwasan ang negatibong pangangampanya.
Dapat din aniyang samahan sila sa pagkondena sa anumang dayaan sa halalan.
Dapat din anilang itakwil ang lahat ng kandidato at mga partylist organization na nakikipagkuntsaba sa mga rebeldeng komunista na labis ding naglalagay sa panganib sa sambayanan.
“Whereas, we reject the collusion of some candidates with the CPP/NPA/NDF with its partylist organizations inasmuch as such alliance with the terrorist organization is reckless and dangerous; that it advocates lawlessness, destruction and death; that it is a threat to national security; and that it disregards peace and order, which endangers the lives and well-being of the Filipino people,” sabi nila.
Ang naturang manifesto ay nilagdaan nito lamang nakalipas na Marso 4, 2022 bilang patunay na kaisa sila sa hangarin para sa isang malinis at tapat na halalan.
Karamihan sa mga pumirma ay mga retired generals, commodore, military at police officials.|