25.3 C
Batangas

Sana panoorin ni Duterte ang video footage ng libing ni Mayor Thony Halili

Must read

- Advertisement -

SASAKLOLOHAN daw ng Pilipinas ang binabahang Japan. Aba’y hanep talaga ang Palasyo! Sana saklolohan muna nila ang mga binabahang mga mahihirap na Pinoy.

Tuloy pa rin ang Workd Trade War ng US at China. Ang Pilipinas ang battleground.

Nagpahayag si Duterte ng pagtanggi na magsilbing transition president sa  federal government. Asahan na magpapahayag uli ang Palasyo na nagbibiro lamang siya.

Ayon kay Duterte ay hindi raw pwedeng maging Presidente si VP Leni dahil isa siyang inutil. Ibig sabihin ay ayaw na talaga niyang makita ang maputing tuhod ni Robredo.

Nagkapulong, nagkasundo at nagbatian na raw ang simbahan at si Pangulong Digong hinggil sa estupidong Diyos, pero hanggang ngayon ay away pa rin sila ng CPP-NPA. Kung sa mga komunista ay walang tigil-putukan, sa Katoliko naman ay meron nang tigil-putakan.

Isang araw lang matapos silang magbatian at maging bff uli ay binanatan uli ni Duterte ang simbahan na walang impyerno at langit na ayon sa bibliya. Halatang may topak na talaga ang pangulo.

Nagkakasya raw ngayon ang 300 preso sa kulungang pang-30 inmates lang. Maluwag pa raw  ito basta matulog lang isla nang patayo.

Lumabas na ang senatorial survey. Sunud-sunod na segurado ang survey na iyan kasi ito ang pinakapinagkikitaang negosyo ngayon.

Sa nangyayaring pagpatay sa mga pari at mga mayor ay nag-a-aalsa na ang mayoridad na Pinoy at mga netizens at napakarami na ang sumisigaw na lumaban tayo! Pero hirit daw ng Palasyo na ang sinabi raw ni Pangulong Digong na patayin ang mga mayor ay joke lang daw. Masasabi bang biro ang pagkamatay ni Tanauan City Mayor Thony C. Halili na kinokondena ng halos 99% na mga Tanaueño? Itinuturing ba niyang biro ang pagkawala ng isang  malinis at hindi korup na lider na minahal, hinangaan, inidolo at itinuring na bayani ng mga mamamayan ng lunsod ng Tanauan? Sana panoorin ni Duterte sa mga video footage, ang dami nang nakipaglibing at nakipag-isa pagdadalamhati sa pagkamatay ng inosenteng mayor. Sana makonsensiya ka!

Ayon naman kay bagong Mayor Jhoanna Corona ay hahanap-hanapin ng mga Tanaueño ang uri ng kanyang paglilingkod na walang inisip kundi ang kabutihan, kaayusan, kaunlaran at katahimikan ng bayan na siyang susi sa isang masayang pamayanan na halos abot-kamay na ng kanilang administrasyon. Nguni’t ipinangako niya ang legasiyang at adhikaing iniwan ni Mayor Thony Halili at ang kanyang natutunan sa isang tumpak at matapat na pamamahala at paglilingkod ay siya magiging gabay at inspirasyon niya para maipagpatuloy pa ang pag-iimplenta ng mga naiwang programa para sa  kapakanan ng Tanauan City ng yumaong mayor na halos itinuring na rin niyang magulang.

Sa Instagram post ni FDCP chairperson  Liza Diño na siya ay nakamaskara habang nagmimiting sa upisina dahil umano ito’y multi-tasking at pinasasaya lamang ang mga kaupisina ay napakaraming netizens ang bumatikos dahil unethical daw ito. Ayon sa nag-upload na isang empleyado ay ganito raw magpamiting ang asawa ni Aiza Seguerra dahil multi-tasking talaga ito. Giit naman ni Senator Ping Lacson ay baka raw multi-masking dahil makapal ang kanyang mukha.

Mapapansin na medyo marami pa rin ang tao sa loob ng mga malls kahit nagtaasan na ang presyo ng mga bilihin..Pero mapapansin din na kakaunti ang nakapila sa kahera.

Ang mga fastfood chains ay matumal na ngayon, kaya lang ang mga turo-turo ay ganoon din. Kakaunti na rin ang mga serbidora sa mga restawran kasi nagbawas na sila ng trabahador  dahil kakaunti na rin ang pagsisilbihan. Baka madami pa rin ang mawalan ng trabaho at sisisantihin na sila. Ito ang tunay na Black Christmas sa Disyembre.

Mapapansin din ang tambak na imported rice at ganun din ang smuggled rice. Ok lang bumaba ang presyo ng bigas, pero apektado at kawawa raw ang ating mga magsasaka.

Maraming  mangungutang na hindi na makabayad dahil sa pagbagsak ng ekonomiya. Malungkot pati mga Bombay.

Pinagsosori ni Senator Manny Pacquiao ang mga Gilas players dahil sa rambulan na kung saan ay binugbog nila ang mga dayong Australiano. Ganito palang mag-host ang mga Pinoy, at sinaktan pa ang mga bisita.|

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -