27 C
Batangas

Sandiganbayan: Mayor Reyes, 2 iba pa, walang sala!

Must read

- Advertisement -

MALVAR, Batangas – ABSWELTO na si Mayor Cristeta Reyes ng bayang ito, at ang ilan pa niyang kasamahang akusado sa kasong inihain laban sa kanila may ilang taon na ang nakalilipas.

Sa ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan noong Biyernes, Setyembre 23, pinawalang-sala ng Fourth Division ng anti-graft court si Mayor Reyes at kaniyang kapwa akusadong sina Municipal Trea-surer Yolanda Cabiscuelas at Budget Officer Jeanette Fruelda.

Nag-ugat ang kaso sa usapin ng pagbili ng pamahalaang bayan noong taong 2010 ng isang parse-lang lupa na pag-aari ng mga anak ng alkalde sa Barangay Santiago sa naturang bayan para pagtayuan ng Malvar Senior High School. Ang naturang lupa ay may sukat na 5,000 metro kwadrado at nagkaka-halaga ng P6.65-milyon.

Ayon pa sa korte, baga-man at kapamilya ni Mayor reyes ang mga may-ari ng lupang binili ng pamaha-laang lokal, hindi ito nanga-ngahulugan na may otoma-tikong financial or pecuniary interest sa pagbili ng natu-rang lupa.

Ayon pa sa korte, hindi naman kara-karaka nagka-interes ang mga anak ni Reyes na ibenta ang natu-rang lupa sa munisipyo at wala silang planong ibenta ito at ayaw ngang makialam rito ng alkalde, hanggang sa mamagitan na nga ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at tanggihan ang mas maliit na 2,000 metro kwadradong ibinibigay ng parea sana pagtayuan ng paaralan ngunit ayon na rin sa DepEd ay kapos ito sa hinihinging sukat para sa malaking pangangailangan ng Malvar Senior High School.

Ayon sa prosekuyon, lubos na nakinabang ang mga anak ng alkalde sa pag-bili sa kanila ng naturang lupa kung saan ay natapos na ang konstruksyon ng Senior High School noon pang Setyembre 2009.

Ngunit ayon sa Sandi-ganbayan, nabigo ang prose-kusyon na patunayan na naagrabyado ang pamaha-laan at lubos namang nakina-bang ang pamilya ni Reyes sa naturang bentahan ng lupa.

Matatandaan na nanuna na ring inihabla sa Ombuds-man ang mga akusado hang-gang sa patawan sila ng pagkasuspinde sa trabaho noong 2018.

Ngunit bago nagsara ang opisina noong Biyernes, Disyembre 14, 2019, ipinatu-pad ng Department of Inte-rior and Local Government (DILG) ang utos ng Court of Appeals na ibalik sa pwesto si Reyes, kasama sina Muncipal Budget Officer Yolanda F. Cabiscuelas at Municipal Treasurer Jeanette C. Fruelda na magkakasamang sinampahan ng kasong Grave Misconduct, Dishonesty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Pahayag pa ng korte noon, isa-isang tinutukan ng mahistrado ang mga doku-mentong isinumite ng mag-kabilang panig at ang salay-say ng bawat isa at dito nakita ng husgado na may dahilan upang baligtarin ang desisyon ng Office of the Om-budsman na nagpaparusa ng pagkakatanggal sa pwesto kay Reyes at panghabambuhay na diskwalipikasyon para tumakbo sa anumang posis-yong halalin sa gobyerno.

Ayon pa sa Court of Appeals, sa ginawa ni Reyes na pagpayag na bilhin ang lupa ng kaniyang mga anak, mas matimbang ang panga-ngailangang tugunan ang hinihingi ng serbisyo na mabili ang lupa para pagta-yuan ng gusali ng paaralan habang tinimbang din ang mga dokumento na nagsasa-bing hindi nagmalabis o umaksyon ang alkalde ng higit sa kaniyang kapangya-rihan bilang punumbayan.

Kinatigan din ng korte ang paliwanag ng dalawa pang opisyal na sina Cabis-cuelas at Fruelda na hindi nagsamantala ang punumbayan at ang proseso ng pagkakabili sa lupang na-banggit ay naaayon sa hini-hingi ng batas at umiiral na mga patakaran sa pamaha-laan.
Matapos makabalk sa pwesto noong Disyembre 14, 2018 si Reyes, nakahabol pa siya ng paghahain ng kandi-datura sa pagka-alkalde para sa 2019 Local Elections.

Unang nahalal bilang alkalde ng bayan ng Malvar si Reyes noong 2001 at naglingkod ng tatlong sunud-ssunod na termino hanggang 2010.

Muling nahalal noong 2016 ngunit nasuspinde noong 2018 at naupo si dating Vice Mayor Alberto lat bilang mayor.

Matapos ito, muling nahalal si Reyes sa kaniyang ikalwang termino bilang alkalde noong Mayo 2019 elections; at muli sa ikatlong termino nitong nakalipas na May 13, 2022 National and Local Elections. Sa kabuuan si Reyes ang pinakamatagal na nanungkulan bilang alkalde ng bayan ng Malvar.| – BNN/Joenald M. Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

LUCENA City - MISS Universe benefactor and now Senate aspirant Luis “Chavit” Singson, recognized for his strong leadership in both the political and business sectors, has vowed to support jeepney operators and drivers affected by the ongoing Jeepney Modernization...
ARE you ready for the biggest shopping event of the year in Batangas?  The Great South Luzon Sale is happening at SM Malls in Batangas on Nov. 15-17, and you won't want to miss out on the amazing deals and...
THE national government is ramping up by 35 percent to P2.7 billion the spending for public residential drug abuse treatment and rehabilitation centers (DATRCs), in a bid to address overcrowding and boost public access, Makati City Rep. Luis Campos...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -