25.3 C
Batangas

Sapat na ayuda sa evacuees, tiniyak ng pamahalaang lungsod

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

“MASINSINAN ninyong alamin ang kakayanan ng mga evacuees na makauwi na sila sa kanilang mga tahanan ay maibigay ng pamahalaang lungsod ang kinakailangang ayuda upang makabalik na rin sila sa normal na buhay.

Ito ang marching order nina Mayor Beverly Rose A. Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa mga kasapi ng City Disaster and Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa isinagawang assessment meeting sa CDRRMO nitong Martes ng gabi.

Anang punonglungsod, mahalagang ma-assess nang maayos ang mga naging pinsala ng bagyong Tisoy at tiyaking may sapat na pagkain at maayos na nasisilungan ang mahigit 700 pamilya na binubuo ng halos 4,000 indibidwal na nakasilong ngayon sa 25 evacuation centers sa lungsod.

Sinabi naman ni Congressman Mariño na kung sakaling makababalik man kaagad sa kanilang mga tahanan ang mga evacuees ay hindi pa rin kaagad maibabalik ang kanilang normal na buhay, lalo na ang mga nasa mga baybaying barangay gaya ng mga mangingisda at mga kargador. Kakailanganin pa aniya ng mga ito na isaayos ang kanilang mga tahanan samantalang ang mga mangingisda naman ay hindi makakapalaot para mangisda.

“Marapat lamang na mabigyan natin sila ng ayuda, lalo na ng pagkain sapagkat hindi pa sila makapangingisda kaya wala pa rin silang kabuhayan,” dagdag pa ni Cong. Mariño.

Tiniyak naman ni Mayor Dimacuha na nakaantabay ang Sangguniang Panlungsod upang magsagawa ng Special Session para sa deklarasyon ng state of calamity kung talkagang kinakailangan batay sa magiging assessment bukas, Miyerkules.

“We don’t have to declare state of calamity if we don’t have to,” pahayag pa ni Mariño. Ngunit kung kakailangan din aniya ang deklarasyon ng state of calamity para maihatid ang kailangang tulong ng pamahalaang lungsod, marapat lamang na iyon ang sundin,” dagdag pa ni Mariño.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -