HINDI matatawaran at patuloy na namayagpag sa pagsusulong ng mabuting pamamahala ang ilang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Batangas, maging sa gitna ng umiiral na corona virus 2019 pandemic.
Ito ang pinatunayan ng ilang LGUs sa magkakahiwalay na awarding ceremonies kamakailan.
Katangi-tanging nasungkit ng pinakabatang lungsod sa lalawigan, ang Lungsod ng Calaca, ang 2021 Seal of Child-Friendly Local Governance dahil sa mahusay na pangangasiwa ng mga programang nagsusulong ng karapatan at proteksyon ng mga bata.
Mainit na pagbati ang ng DILG sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) na pinamumu-nuan ni City Mayor Nas Ona at mga miyembro ng Municipal Inter Agency Monitoring Task Force – Dra. Marjolyne Sharon Ona, Gng. Maharani G. Babasa, G. Carlo Enrique Soriano, Bb. Leslie Ann Recto, Gng. Clara Pilapil at Dr. Anabel Marasigan sa nakamit na pagkilala.
Samantala, ipinagbibigay-alam ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona katuwang ang City Health Office na pinangungunahan ni Dra. Sharon Ona ang sumusunod na mga serbisyong hatid ng Tanggapan ngayong Nobyembre:
Adult Medical Check-Up – Monday – 9:00am to 12:00noon; at Tuesday and Friday – 9:00am to 3:00pm
TB-Dots Check-Up — Monday – 11:00am to 3:00pm; at Wednesday and Thursday – 9:00am to 3:00pm
Pediatrics Medical Check-Up — Tuesday and Thursday – 9:00am to 3:00pm
OB-Gynecology Check-Up — Wednesday – 11:00am to 1:00pm at Thursday – 9:00am to 12:00noon
Patuloy ang pangangalaga ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca sa mamamayang Calacazens para sa patuloy na pagbangon mula sa ating kinaharap na pandemya.| – BNN News Team