28.4 C
Batangas

Seguridad at responsibilidad sa basura, panawagan sa pagbiyahe patungong Isla Verde

Must read

- Advertisement -

ISLA VERDE, Batangas City – NANAWAGAN ngayon sa publiko ang ilang konsernadong grupo ukol sa usaping pangkaligtasan at pangkapaligiran sa mga nagtutungo sa Isla Verde ngayong Semana Santa para magbakasyon.

Partikular na panawagan ay ang ibayong pag-iingat sa pagbibiyahe at gawing prayoridad ang pagseguro sa kaligtasan habang naglalayag.

Simula pa lamang noong Linggo ng Palaspas, Marso 25 ay nagsimula nang magsiuwi sa Isla Verde upang magbakasyon o gunitain ang Semana Santa ang mga residente rito o maging ang mga dating residente rito na nakapaniharan o nagtrabaho sa iba’t ibang lugar.

Ngunit lalong naging kapansin-pansin nitong Huwebes Santo ng umaga ang biglaang pagdagsa ng pasahero sa baybayin ng Tabangao Aplaya, Ilijan at Dela Paz Proper na nagtutungo sa Isla Verde.

ANG magandang tanawin ng dinarayong Isla Verde. Kuha ang larawan mula sa Sitio Mahabang Buhangin, San Agustin Kanluran.|Photo Credit: Hailey_Ayesha@2018

Naging mapagmatyag ang Philippine Coast Guard sa mga pantalan ngunit kapansin-pansin ang kakulangan ng tauhan nila para tiyaking hindi nakapaglalayag ang mga bangkang bumibiyahe ng higit pa sa rehistradong kapasidad ang lulang pasahero at kargamento.

Maging sa pagsakay sa maliliit na bangkang naghahatid sa laot sa mga pasahero, panawagan ng mga kasapi ng grupong Verdenians, tiyakin muna ang kaligtasan at huwag makipagsapalaran ng pagsakay, matuloy lamang ang pagbibiyahe sa Isla Verde.

Samantala, kabi-kabila rin ang panawagan sa mga turista, mapa-lokal man o banyaga at maging sa mga nagsisiuwing taga-Isla Verde na sinupin ang mga basurang dala kaakibat ng pagbabakasyon.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -