By ROSH JOSHUA LAYDIA at JOHN LOUISE REGLOS
BAUAN, Batangas โ BILANG tulong sa mga pamilyang nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin, namahagi ng ayuda sa 1,000 pamilya sa bayang ito ang pamahalaang nasyunal sa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) nitong Biyernes, Mayo 19.
Ang pamamahagi ng naturang ayuda sa ilalim ng AICS ay isinulong ni Senator Imee Marcos sa DSWD upang kahit paanoโy matugunan ang mga suliraning kaakibat ng pagtaas ng inflation rate sa bansa at iba pang suliraning binabalikat ng mga mamamayan.
Kasama sina Bauan Mayor Ryanh Dolor at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, tumanggap ng tig-P3,000 ang bawat isang benepisyaryo ng DSWD-AICS sa bayan ng Bauan, gaya rin ng ginawang pamamahagi sa bayan ng San Jose at Lungsod ng Calaca.
Ayon kay Marcos, ang pagbibigay-ayuda ay tulong sa lahat, lalo na sa mga senior citizen at sa mga TODA na hindi na kumikita dahil sa taas ng presyo ng langis.
Sa maikling speech ng senadora, kinuwento niya ang hirap ng buhay nitong nagdaang dalawang taon dahil sa pandemya o aniya ay โpandemonyong covidโ.
โNgayong tapos na [ang pandemya], makakapagtrabaho na tayoโฆ pero masisindak naman tayo sa presyo, presyo na hindi na maintindihan. Kasi puro imported ang gasolina, ang diesel, LPG,โ paliwanag ng senadora, dagdag pa aniya ang kamakailang pagtaas ng presyo ng bawang at sibuyas.
Ang 48-anyos na tricycle driver na si Danilo ay tumigil muna sa pagpasada noong umaga para maghintay ng matatanggap na financial assistance.
โMalaking tulong na din โto sa aminโฆ sa pang-araw-araw na gastusin, gatas, diaper. Sa mahal ng gastusin eh talagang โdi mo alam kung papaano mo pagkakasyahin minsan ang pera sa isang linggo,โ ani Danilo.
Gayundin naman para kay Mang Romy, sa mahal ng gastusin, kung minsan ay mas malaki pa umano ang napupunta sa pangpagasolina kaysa sa pang-ulam sa kaniyang kinikita.
Umabot sa Php 3000.00 kada recipient ang inilaan para sa 1,000 benepisyaryo ng AICS na binubuo ng mga PWDs, Senior Citizens, mga magsasaka, fisherfolks, tricycle drivers, mga kasambahay at solo parents.
Samantala, namahagi rin ang senadora ng mga laruan at nutribuns sa mga batang dumalo sa nasabing programa. Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na mas pinasustansya at pinarami nila ang flavors ng nutribun, kagaya ng cassava, coconut, chocolate, ube, at iba pa, para umano araw-araw ay pwedeng kainin hanggang umabot ang isang indibidwal sa kaniyang tamang timbang.
Ibinahagi rin ni Senator Marcos ang konsepto ng NUTRI-BUS na aniya ay โlevel-upโ ng pagtugon nila sa malnutrisyon kung saan nagluluto at namimigay sila ng mga Arroz Caldo, Champorado, at ibaโt iba pang pagkain ng mga bata kontra sa pagiging bansot at pagliit ng utak ng mga sanggol.
Isa sa mga lakad ng senadora sa Batangas ang pagbisita niya sa Bauan General Hospital, na ayon sa kaniyaโy bibigyan ng karagdang budget.
Bukod dito, nag-iwan rin si Senador Marcos ng P5-milyong pondo para sa programang tulong-pangkabuhayan sa mga Bauangueรฑo.| – BNN