By JOENALD MEDINA RAYOS
BALETE, Batangas โ KUNG madalas ay inirereklamo ang Batangas II Electric Cooperative (Batelec II) sa madalas nitong brownouts, ngayon ay mismong si Balete Mayor Wilson V. Maralit na ang humiling sa kooperatiba ng power interruption.
Sa kaniyang liham kay Batelec II General Manager Octavius Mendoza, hiniling ni Mayor Maralit na pulutin ng kooperatiba ang serbisyo ng kuryente sa siyam (9) na barangay ng bayan ng Batele upang mapigilan ang anumang peligrong maaaring idulot sa buhay at ari-arian sanhi ng sunog o anumang electrical trouble bunsod naman ng nakaambang pagputok ng Bulkang Taal.
Kagyat namang inaksyunan ng kooperatiba ang kahilingan ng alkalde, kung kayaโt nag-anunsyo na sa pamamagitan ng social media ang Batelec II.
โMuli po ay ipinapaalam namin sa aming mga miyembro-konsumedores-may-ari na alinsunod sa Memorandum na inilabas ni Hon. Mayor Wilson Villapando Maralit ng Balete, Batangas ay magaganap po bukas January 19, 2020 9:00 AM ang pansamantalang pagpatay ng kuryenteโ sa mga sumusunod na mga Barangays sa kanyang nasasakupan: – San Sebastian, Palsara, Alangilan, Sala, Magapi, Makina, Solis, Sampalocan at Looc,โ saad sa anunsyo ng kooperatiba.| – BALIKAS News Network