23.8 C
Batangas

Serbisyo ng munisipyo, inihatid sa barangay ng e-PUSO on Wheels

Must read

- Advertisement -

STO. TOMAS, Batangas – AGARANG pinakikinabangann ng mga mamamayan sa mga barangay na sakop ng bayang ito ang E-Puso on Wheels o ang “EPS Public Service and Offices on Wheels”, kasunod ang matagumpay na paglulunsad nito sa Barangay Sta. Cruz bilang pilot barangay noong Biyernes-a-trese, Abril 13.

Ito ang mas pinalawak at mas pinalaking programa ng Community Based Health and Social Services Program ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas sa pangunguna nina Punumbayan Edna P. Sanchez, at mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa pangungun ani Panglawang Punumbayan Armenius O. Silva.

Hatid nito ang iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng Medical Check-Up with medicines and vitamins, Dental tooth extraction with medicines, Eye Check Up with prescription eye glass, feeding program, legal services and assistance, employment referrals, veterinary services, seeds distribution, birth registration, DTI Negosyo Center, free haircut, massage, manicure, pedicure at marami pang iba.

IPINALILIWANAG ni Mayor Edna P. Sanchez sa kaniyang mga constituents ang mga serbisyong inihahatid ng E-PUSO on Wheels.|Photo Credit: ELLAINE M. CHAVEZ

Prayoridad ng programang ito ang mga senior citizens, mga kabataan, mga buntis at mga nangangailangan ng agarang serbisyo medical. Mayroong special lane kung saan unang binibigyang serbisyo ang mga person with disabilities. Namahagi din ng mga freebies at special gifts sa mga dumalo na nagbigay kasiyahan sa mga ito.

Bahagi din ng programang ito ang segment na “Tanong po ninyo, Sagot po namin” kung saan direktang sumasagot ang mga department heads at mga staff ng iba’t ibang departamento at opisina ng munisipyo sa mga katanungan, komento at mga suhestiyon ng ating mga ka-barangay.

Kaalinsabay din nito ang Information Education Campaign, ukol sa iba pang libreng serbisyo at program tulad ng on-going EPS Scholarship and Educational Assistance, Kasalang Bayan, Job Fair, Medical and Burial Financial Assistance at iba pa.

Ito din ang panimulang hakbangin ng Office of the Mayor katuwang ang Office of the Municipal Administrator sa pagpapa-abot ng makabuluhang impormasyon hinggil sa mga magagandang benepisyo, programa at mas maraming proyekto hatid ng pagiging siyudad.

Target ng programang ito na mas mapalapit ang mga serbisyo ng munisipyo at abot-kamay itong maramdaman ng mga mamamayan at Pamilyang Tomasino. Lilibot ito sa lahat ng mga barangay, mga purok at mga sitio na nasasakupan ng bayang ito.

Samantala, mainit na suporta at pagtanggap ang ipinaabot ni Punumbarangay Edwin Mendoza at Sangguniang Barangay kasama ang mga volunteer workers nito dahil sa sila ang napiling maging pilot barangay at unang benepisyaryong programang ito.| May ulat ni Erich S. Rodillo

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Disclaimer: This is an unsponsored article. The sole purpose is to educate and inform the consumers. LET'S have a hindsight look at the “paradigm shifters” in the local retail environment focusing on companies that have dared to modernize and improve...
IN educational settings, the Dunning-Kruger effect manifests with particular intensity and consequence, impacting not only the relationship between teachers and students but also among faculty and administrators. This cognitive bias, where individuals with limited knowledge overestimate their competence, can...
AT least 14 local government units (LGUs) composed of three (3) cities and 11 municipalities in Batangas province, are the new recipients of the Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG), the Department of Interior and Local Government (DILG) reported....
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -