27 C
Batangas

Sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, balik face-to-face na

Must read

- Advertisement -

MAGBABALIK na sa normal na full face to face mode ang lingguhang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas mula ngayong Lunes, Nobyembre 7.

Sa nakalipas na sesyon noong Miyerkukes, Nobyembre 2, pinagtibay ng konseho ang pagbabalik normal ng regular na pulong kung saan ay full face to face ng dadalo ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.

Ani Vice Governor Mark Leviste, alinsunod sa itinatadhana ng Rule 5, Section 1, Item No. 2 ng Internal Rules and Procedure (IRP), kinakailangang pisikal na dumalo sa sesyon ang bawat bokal.

Papayagan lamang umano ang isang kasapi na makadalo sa isang virtual na sesyon sa pamamagitan ng Zoom kung ang isang kasapi ay may sakit, o may kondisyong medikal na maaaring makahawa o malagay sa kritikal na kondisyon ang mga kasapi ng konseho.

Kinakailangan din aniyang magpadala ng Medical Certificate o katibayan ng pagkakasakit ng isang miyembro ng Sanggunian na makadadalo lamang sa birtwal na pamamaraan.

Sa nakalipas na mahigit dalawang (2) taon, ang mga regular at tanging sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, maging ang mga pagdinig ng mga lupon, ay isinagawa sa blended na pamamaraan o yung may pisika na dumadalo samantalang meron din namang sa pamamagitan ng Zoom.

Ngayong lumuwag na ang mga panuntunang pangkaligtasan kaugnay ng pandemya ng CoVid-19 gaya ng pagluluwag sa paggamit ng face masks, ibinalik na ng koseho ang mga sesyon nito sa pamamaraang face to face.|- BNN/Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

News | June 20, 2025 by Leila Valencia / Photo by Ericson Delos Reyes A total of 100 hygiene kits were distributed by the Philippine...
CAMP VICENTE LIM - INIUTOS ni Acting Regional Director PBGen Jack L. Wanky ang masusing imbestigasyon kaugnay sa pagkakarekober ng tinatayang 30 kilo ng...
CAMP VICENTE LIM, Laguna -- POLICE Brigadier General Jack L. Wanky, a proud member of the Philippine National Police Academy (PNPA) “TAGAPAGPATUPAD” Class of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -