ITINAAS na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Catanduanes dahil sa binabantayang Tropical Depression #NikaPH , ayon sa PAGASA.
Batay sa pagtaya ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, Nobyembre 9, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,145 km silangan ng Southern Luzon. Taglay ang lakas ng hangin na 55 km/h malapit sa sentro, pagbugsong aabot naman sa 70 km/h.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 30 km/h.
Tinatayang kikilos ito pakanluran hilagang-kanluran at maaaring mag-landfall sa Isabela o Aurora sa Lunes, Nobyembre 11.
Ayon sa PAGASA, tinatayang unti-unting lalakas pa at maaaring umabot sa kategoryang severe tropical storm (STS) sa Lunes ng umaga bago mag-landfall. Inaasahan ang paghina sa pagdaan nito dahil sa interaksyon sa kalupaan ng mainland Luzon, ngunit mananatili pa rin itong isang severe tropical storm.|