28.9 C
Batangas

Simula ng Barangay at SK Elections, naging maayos

Must read

- Advertisement -

LUNSOD BATANGAS — SA kabila ng kaniyang katandaan, hindi nagpahuli at sa halip ay tiniyak na makaboto pa rin ng isang 92-anyos na lola na residente ng Barangay Kumintang Ibaba, Lunsod Batangas.

Dahil dito, kinailangang buhatin siya ng kaniyang apo paakyat sa ikalwang palapag ng  gusali sa Batangas City East Central Elementary School kung saan naroon ang presinto ng lola.

KARAPATAN. Walang pinipiling edad ang paggamit ng karapatan sa pagboto. Maging ang lolang ito ay sinikap na makaboto sa edad niyang 92.|City PIO Photo

Ayon kay Jose Mañibo, gustong-gusto ng kanyang lola na makaboto bagamat mahina ang katawan at hindi na kayang makapaglakad.

Samntala, naging maayos naman at mapayapa ang botohan sa lunsod sa unang dalawang oras na nagsimula ng eksakto alas syete ng umaga at magtatapos sa 3:00 ng hapon.

Muling naging problema ng iba ang hindi makitang pangalan sa list of registered voters. Kung kayat nagsadya ang ilan sa tanggapan ng COMELEC.

DELISTED. May mga indibidwal ring hindi nakita ang kanilang mga pangalan sa talaan ng rehistradong botante matapos silang alisin sa talaan bunga ng kawalan ng biometrics, ayon sa COMELEC.|

Mayroon ding nagreklamo na diumano’y mga flying voters na nasa listahan subalit hindi nakatira sa barangay na kanilang bobotohan.

Sa barangay Calicanto na may 7,000registered voters, inereklamo ang mabagal na proseso ng eleksyon sapagkat limitado sa anim na tao ang pinapapasok sa isang presinto kahit marami pang bakanteng bangko para sa mga botante. Dahil dito lalong humahaba ang pila.

Ayon sa kay Election Officer Atty.Groller Mar Liwag, ang pinakamaraming bilang ng taong pwedeng bumoto ng sabay-sabay sa loob ng presinto ay 10 lamang. Bawal ang gumamit ng cellphone at makipag usap sa mga watchers habang bumuboto. Sinabi rin niya na dapat na ang botante ang maghulog ng kanyang balota sa ballot box at hindi ang chairman ng Board of Election Inspectors alinsunod sa orientation na ibinigay ng Comelec sa mga teachers.

Mayroong police desk ang Batangas City PNP na syang aaksyon kung magkaroon man ng kaguluhan. May mga staff din ang City Health Office (CHO) na magbibigay ng first aid sa mga mangangailangan.

Samantala, bumoto sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa Batangas National High School (BANAHIS) kasama sina ABC President Dondon Dimacuha, ang kabiyak nitong si Atty. Alyssa Dimacuha at Secretary to the City Mayor Atty Reginald Dimacuha bandang 10:00 ng umaga.

Habang tahimik at maayos ang eleksyon sa Alangilan Elem. School, nagkaroon naman ng problema sa third party member ng Board of Election Inspectors sa isang presinto sa Kumintang Ilaya Elem. School. Siya ay isang barangay nutrition scholar na identified sa kalabang partido ng kasalukuyang administrasyon ng barangay Kumintang Ilaya. Dahilan dito, pinayagan ng Comelec na siya ay matanggal at agarang pinalitan.|May ulat mula sa PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -