25.7 C
Batangas

Slapshock rocks Batangas anew!

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City – ISA na namang kakaibang performance ang ipinakita ng sikat na grupong Slapshock sa mga parokyano nito sa Lalawigan ng Ala-Eh sa muling pagbandera ng mataginting na instrument at kakaibang urio ng musika nitong Byernes ng gabi, Marso 23.

Hindi magkamayaw sa parking lot ng SM City Batangas ang mga tagasuporta ng sikat na banda na walang sawang tinatangkilik ng mga barakong parokyano.

Matatandaang noong isang taon, bilang bahagi ng kanilang 20th Year Celebration Music Tour na nagging bahagi rin ng 043 Music Festival ay naghandog ng pagtatanghal ang Slapshock para kay Chester Bennington sa Batangas City.

Si Chester Bennington ang sikat na vocalist ng American rock band na Linkin Park ay natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Palos Verdes Estates, California, USA.

Ayon sa ilang ulat, nagpakamatay ang frontman ng Linkin Park sa pamamagitan ng pagbibigti, na siya namang labis na ipinagluksa ng kanyang mga tagahanga sa buong mundo at maging ng mga kapatid sa music industry dito sa Pilipinas.

Slapshock’s performance at the Summer Rock Fest ’18 at SM City Batangas, March 23, 2018.| Photo Credit: Rey Teves

“Hanggang sa muli, Batangas!” pasasalamat ng grupo sa kanilang fanpage. At ito nga ay ang kanilang muling pagtatanghal sa SM Center Lemery sa susunod na buwan ng Abril.|#BALIKAS_News

Supportive fans Slapshock remain upbeat at the band’s performance at the Summer Rock Fest ’18 at SM City Batangas, March 23, 2018.| Photo Credit: Rey Teves
- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -