26 C
Batangas

SP-Batangas City, national winner ng local legislative award

Must read

- Advertisement -

TINANGHAL na National Winner sa 2018 Local Legislative Award, Component Cities Category, ang Sangguniang Panlungsod ng Batangas dahilan sa mga mahahalagang batas na naipasa nito at sa mahusay na performance at pangangasiwa ng naturang konseho.

Ang parangal ay ipinagkaloob ng Philippine Councilors League (PCL) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa awarding ceremony sa Waterfront Hotel, Cebu City, June 19, kung saan may 14 na component cities ang naglaban laban.

Personal na tinanggap ng mga miyembro ng konseho sa pangunguna ni Vice-Mayor Dr. Jun Berberabe ang plake at cash prize na P250,000 mula kay DILG Secretary Eduardo Aรฑo at National PCL Chairman Danny Dayanghirang.

Nagsilbing batayan sa pagpili ng mga nagwagi ay ang โ€œresponsiveness of the legislative agenda, availability of legislative documents, effectiveness of the performance of the Sanggunian including the processes and procedures and quality of office set up and staff complement, efficiency of performance, legislative citations and awards, capacity development for legislators and staff.โ€

Board Members Arthur Blanco and Ma. Claudette Ambida proundly share with Batangas City Vice Mayor Jun Berberabe and the Secretary to the Sanggunian, Atty. Olive Telegatos, the joy and jubilations of the Sangguniang Panlungsod for being recognized as the National Winner in the PCL – DILGโ€™s 2018 Local Legislative Awards.|

Ayon kay Secretary to the Sangguniang Panglungsod Atty. Olive Telegatos โ€œako ay masaya at proud na nakuha namin ang award na ito. All these years the SP wanted to send a message to the City Hall people โ€“ that the SP is a vital arm of the city government and we always aim to give our best para maipagmalaki kami ng City Hall. This one delivered that message.โ€

Ilan sa mga mahahalagang ordinansang naipasa noong nakaraang taon ay ang Health and Sanitation Code, Gender and Development Code at Child and Youth Welfare Code.

Naipasa rin ang mga ordinansang requirements ng Seal of Good Local Governance kagaya ng Promoting a Drug Free Batangas City, Forced Pre-emptive Evacuation,, at Regulation of the Manufacture, Sale, Distribution and Use of Fire Crackers. Naipasa din nila ang volume 2 ng Code of General Ordinances.|
Vince Altar

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines โ€“ Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the Universityโ€™s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -