By JOENALD MEDINA RAYOS
BATANGAS City — UPANG tuwirang makakilos ang pamahalaang lungsod sa pagtugon sa relief and rehabilitation efforts nito sa mga pinsalang dulot ng bagyong #QuintaPH, isinailalim na sa State of Calamity ang buong Lungsod ng Batangas, Oktubre 27.
Sa mosyon ni Kagawad Alyssa Cruz-Atienza, tagapangulo ng Committee on Appropriation at Committee on Laws, Rules and Ordinances, na pinangalwahan ng lahat ng nagsidalong kagawad, pormal na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod sa espesyal na sesyon nitong Martes ang pagpapasa ng Ordinansang Nagtatakda ng Pagsailalim ng Lungsod ng Batangas sa State of Calamity.
Ang aksyong ito ng konseho ay bilang pagkumpirma na rin sa Declaration of State of Calamity in Batangas City na nakapaloob sa Executive Order No. 42 ni Mayor Beverly Rose A. Dimacuha, kahapon, Oktubre 26.
Dahil dito, agaran nang magagamit ng pamahalaang lungsod ang Calamity Fund nito sa pagtugon sa relief and rehabilitation program sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.| – BNN
#keepsafe #WeLoveBatangasCityPH