26.8 C
Batangas

Sto. Tomas’ Cityhood Bill, pasado na sa botong 19-0

Must read

- Advertisement -

By ERICH S. RODILLO

STO. TOMAS, Batangas – ABOT-KAMAY na ang pagiging lunsod ng bayang ito matapos maipasa ng Senado nitong Lunes, Marso 19, sa botong 19-0 ang panukalang batas para maging ika-4 na syudad ng Lalawigan ng Batangas.

Buo ang suporta ng mga Senador at pinal nang naisabatas ang House Bill 5160 o ang “An Act Converting the Municipality of Sto. Tomas in the Province of Batangas into a Component City to be known as City of Sto. Tomas” sa Senate Reguar Session No. 70 ng Senado.

Personal na nagpaabot ng taus-pusong pasasalamat sa mga Senador ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Sto. Tomas sa pangunguna nina Kgg. Mayor Edna P. Sanchez, Kgg. Vice Mayor Armenius O. Silva, Sangguniang Bayan Members, at Municipal Administrator Atty. Arth Jhun A. Marasigan kasama ang Liga ng mga Barangay at mga Department Heads matapos ang sesyon ng senado.

Partikular na pinasalamatan din Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, Commit-tee Chairman ng Committee on Local Government, sa matimong Sponsorship nito sa nasabing batas na nagresulta sa pagkakapasa nito sa third and FINAL reading.

Matatandaang pinasamulan ang nasabing panukalang batas taong 2015 ni former 3rd District Batangas Congressman Nelson P. Collantes sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ipinagpa-tuloy ng kanyang maybahay na ngayon ay si Congress-woman Maria Theresa V. Collantes sa ilalim ng House Bill 611 at nakabilang sa mga unang panukalang batas na naihain sa Konggreso sa pagbubukas ng Kongreso noong Hunyo 30, taong 2016.

Dumaan ito sa masusing proseso, beripikasyon, mga committee hearings at pagsisiyasat ng mga kongresista bago tuluyang maipasa sa House Committee on Local Government ng House of the Representatives.

Walang anumang naging balakid sa mga pangunahing pamantayang isinasaad sa Local Government Code upang maging lunsod ang bayan ng Sto. Tomas. May-roon itong Average Annual Income na Php. 230 million na sertipikado ng Department of Finance, may kabuuang populasyon na 179,844 katao na sertipikado ng Philippine Statistics Authority at 10,032 ektaryang lawak na nasasa-kupan na sertipikado ng Land Management Bureau – mga datos na higit pa sa naka-takdang pamantayang nakasaad sa batas.

Samantala, bibilang na lamang ng mga araw ang nasabing batas para lagdaan ng nina Speaker of the House Rep. Pantaleon Alvarez, Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, at ni Pangulo Rodrigo Roa Duterte at kagya’t na isasagawa ang publication o paglathala nito sa mga pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon sa buong bansa at sa Lalawigan ng Batangas kasunod ang pagsasagawa ng plebisito o botohan, kung saan ito ang demokratikong pagpapa-hayag ng mga mamamayang Tomasino sa pagsang-ayon at pagsuporta sa adhikaing maging ganap na lunsod ang bayang ito.

Gayunpaman, positibo ang Pamahalaang Lokal ng Sto. Tomas na magiging bukas ang pagtanggap ng mga mamamayan nito sa mas malawak, mas maraming opportunidad, hanap-buhay, kabuhayan at patuloy na kalunsuran kaalinsabay ng matiwasay na pamumuhay – mga benepisyong hatid ng pagiging siyudad.

“Katiyakan din nito na mas maraming makabuluhang mga programa, mga proyekto, mga pagawaing bayan, ang ilulunsad at ipadadaloy para sa kapakanan ng mga kabataan, kababaihan, kalalakihan, LGBT community, pangunahing mamamayan (senior citizen) na Pamilyang Tomasino tungo sa isang Magandang Bukas City of Sto. Tomas.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -