24 C
Batangas

Sublian Festival, kinilala bilang most outstanding religious festival

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City — TINANGHAL na most outstanding religious festival ang Sublian festival ng Batangas City sa kauna unahang Philippine Live Entertainment and Arts Festival na isinagawa sa RCBC Plaza, Makati City noong February 8.

Layunin ng LEAF awards na kilalanin ang angking husay ng mga alagad ng sining maging ito may isang tao, pangyayari, gawaing pang relihiyon, festival, teatro, mang aawit, grupo ng mga mananayaw, lokal man o mga propesyunal na patuloy na isinasagawa at isinasabuhay ang mga gawaing pang sining.

Ang Sublian festival na nasa ika–32 taon na ay sinimulan ni dating Mayor Eduardo Dimacuha sa layuning mapayabong ang namanang kultura at tradisyon ng lungsod at maipasa ito sa kasalukuyan at susunod na henerasyon bilang mahalagang bahagi ng tunay na kaunlaran ng Batangas City. Ito ay ipinagpapatuloy ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na mayroon ding pagpapahalaga sa cultural development ng lungsod.

Tinanggap ang award sa pangunguna ni G. Eduardo Borbon, vice chairman ng Cultural Affairs Committee at mga miyembro nito na sina Atty. Reginald Dimacuha, Erick Anthony Sanohan, Jose Alvin M. Remo, Peter John Caringal at Bill Perez.

Tinanggap ni City Cultural Affairs Committee vice chairman Eduardo Borbon ang Plake ng Pagkilala.|PALAKAT PHOTO

Ang ilan sa mga kilalang awardees ay sina Eric Santos, Dulce, John Pratts at Gerald Santos sa mga celebrities. Kinilala naman ang mga alagad ng sining na sina Liza Macuja Elizalde ng Ballet Philippines, Ms. Shirley Cruz-Halili ng National Commission for Culture and the Arts at Chris Millado ng Cultural Center of the Philippines.

Ipinagkaloob ng mga myembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee ang tropeyo kay Mayor Dimacuha, February 17.

ISINULIT ni City Cultural Affairs Committee vice chairman Eduardo Borbon kay Mayor Beverly Rose A. Dimacuha ang tinanggap na Plake ng Pagkilala para sa Lungsod ng Batangas.|PALAKAT PHOTO

Pinasalamatan ni Sec. to the Mayor Reginald Dimacuha na isa rin sa mga Committee members ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa malaking suporta nila sa Sublian Festival kung saan sila ay lumalahok bilang mananayaw sa taunang cultural event na ito sa lungsod.|Alvin Remo

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Eunice Jean C. Patron DILIMAN, Quezon City -- INSTITUTIONS around the globe are working toward creating scientific innovations to address the challenges faced by humanity. Likewise, Filipino scientists are striving to find solutions to the Philippines' concerns. The University of...
GET ready to welcome a year of cunning, wisdom, and good fortune! As the Lunar New Year approaches, anticipation builds for the vibrant celebrations that usher in a fresh start. And this 2025, as we embrace the Year of...
"It happened when I was in high school. Mama got sick. Just like that, she was gone," actor and BDO brand ambassador Alden Richards sadly recalled. "My world suddenly stopped. Our savings were quickly depleted. I had to quit school to help...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -