SA kanyang mensahe sa harap ng pinagsamang pagpupulong ng Batangas Inter-Agency Task Force at Batangas Provincial Health Board noong ika-19 ng Abril 2021, binigyang-diin ni Gov. Dodo Mandanas ang epektibong pagpapaganap ng Integrated Health Management System at food security programs para sa mga Batangueño.
Kaugnay ito ng patuloy na pagpapalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga programa nito na nakatuon sa pagtugon sa mga problemang dulot ng COVID-19 pandemic sa lalawigan.
Nangunguna sa agenda ang pagbibigay suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga local government units (LGUs) sa pagpapatayo ng mga ito ng quarantine and isolation facilities sa kanilang mga bayan at lungsod, ganun din ang pagbibigay suporta sa administrasyon at operasyon ng mga ito.
Ang mga nasabing pasilidad ang magiging sentro ng operasyon sa mga pama-yanan, kung saan makakatulong ng mga opiysal ng lalawigan ang local counterparts nito, partikular ang mga Barangay Health Emergency Technicians (BHERT) at mga local health workers.
Mahalaga umano ang gagampanan ng mga itatayong pasilidad upang mai-wasan ang home quarantine at pagsisiksikan sa ilang mga pribadong establisimyento na ginawang mga quarantine facilities, na nakitang dahilan ng malawakang pagkakaha-wahan sa mga komunidad.
Bilang lokal na kaagapay, magbibigay ang Kapitolyo ng essential health products, gamut at food subsidies sa mga Rural Health Units sa iba’t ibang lokalidad sa lalawigan na kukunin naman sa laang 100 Milyong pisong pondo para dito .
Bukod sa pagtugon sa medikal na pangangailangan, palalawakin din ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbili ng mga modernong farm equipment at food producing crops upang mapagtibay ang food security ng mga pamilyang Batangueño habang umiiral pa ang pandemya.|