25.5 C
Batangas

Survey: ‘Marasigan, lamang sa Sto. Tomas!

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BUO na ang loob ng sambayanang Tomasino na ipagkatiwala sa mga bagong lider ang pang-apat at pinakabagong lungsod ng Lalawigan ng Batangas – ang Lungsod ng Sto. Tomas. Ang kaganapang ito ay batay sa resulta ng isang political survey na isinagawa ng Philippine Statistics and Research Center noong Abril 28-30 – saktong dalawang linggo bago ang nakatakdang halalan sa Lunes, Mayo 13.

Naitala ang napakataas na rekord na 62% pabor kay Atty. Arth Jhun Marasigan, kandidato opisyal sa pagka-alkalde ng PDP-Laban. Samantalang halos kalahati lamang ng mga pumabor kay Marasigan ang pumabor kay incumbent mayor Edna P. Sanchez ng Nacionalista Party sa rekord na 32%.

Nakakuha naman si Rey Meer (independiente) ng 2% samantalang manipis na 2% na lamang nanatiling undecided pa sa may 1,300 respondents. May +-2.2 margin of error ang nasabing survey.

Ang resulta ng katatapos na survey ay halos kabaligtaran ng resulta ng unang survey noong Enero 21-24 kung saan ay nakakuha lamang si Marasigan ng 18% kumpara sa 60% ni Sanchez at 1% ni Meer. Ngunit kapansin-pansin ding 18% pa ng respondents noon ang hindi pa nakapagde-desisyon kung sino ang iboboto nila.

Kapansin-pansin din naman na naitala lamang ni Sanchez ang trust rating na 38% gayong siya ang incumbent mayor sa magkasunod na dalawang termino. Batay naman sa survey ng Social Weather Station (SWS) ng panahong iyon, nasa mataas na 78% ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nang tanungin ang mga respondents, pinili umano nila si Marasigan at handang ipagkatiwala ang boto sa kaniya dahil sa kaniyang malinaw at buong plano para solusyunan ang mga problema ng Sto. Tomas. Kinililala rin nila ang kaniyang pagiging compassionate at madaling lapitan, matalino at pwedeng pamarisan, masipag, at maaasahan.

Ayon pa sa mayoriya ng mga respondents, nananawa na sila sa umano’y “puro paawa lang” na istilo ni Sanchez, ang isyu ng korupsyon sa munisipyo, kawalan ng malinaw na programa sa patubig at koleksyon ng basura, malalang trapiko; kawalan ng kongkretong programa sa edukasyon, kalusugan at kahirapan.
“Nakakaalaala lamang po sila tuwing panahon ng eleksyon,” pahayag pa ng ilan sa mga respondents.

Sa tatlong magkakasunod na survey, naging kapansin-pansin din ang pagbulusok ng bilang ng mga sumusuporta kay Sanchez, mula sa 60% noong Enero at maging 44% sa ikalwang survey noong Marso 21-23 at sumadsad ito sa 32% ngayong Abril.

Kabaligtaran ito ng pagtaas naman ng kumpiyensa ng mga sumusuporta kay Marasigan na mula sa 18% noong Enero ay nadoble noong Pebrero (42%) at mag-triple ito nitong Abril sa rekord ngang 62%.

Samantala, sa karerahan namans a pagka-bise alkalde, patuloy rin ang pagdami ng sumusuporta kay vice mayoralty candidate Leovy Villegas kumpara sa katunggaling si incumbent vice mayor Armenius Silva.

Mula sa 15% noong Enero, nagdoble rin ang pumabor kay Villegas noong Marso at naging 33% saka nagtriple noong Abril at pumalo na sa rekord na 58%; samantalang sa pabawas naman ang sumusuporta kay Silva, mula sa 69% noong Enero na bumaba sa 51% noong Marso at lalo pang bumaba sa 40% nitong Abril.

Kung isasagawa ang eleksyon ngayon at ang pagbabatayan ay ang naging trending ng mga resulta ng survey noong Enero, Marso at Abril, malinaw na patuloy ang paglago ng kumpiyansa ng sambayanang Tomasino sa kakayahan ng tamabalang Marasigan-Villegas para pamunuan ang isang bagong Lungsod ng Sto. Tomas sa hinaharap.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -