LIPA City โ TINULDUKAN na ng isa sa mga suspek sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid ang pagkakadawit sa kaniya sa mga imbestigasyong may kaugnayan sa pagkamatay ng naturang mamamahayag.
Itoโy matapos magbaril sa sarili ang naturang suspek sa halip na sumuko sa mga otoridad kasunod ng ilang oras na hostage taking sa Purok 4, Barangay Lumbang sa lungsod na ito, nitong Linggo ng madaling-araw, Agosto 11.
Sa isang panayam, kinumpirma ni National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagbabaril sa sarili ni Jake Mendoza, alyas Orly, 40 anyos, at residente ng bayan ng Baco, Lalawigan ng Oriental Mindoro.
Bago ang naturang pagbaril sa sarili ay hinostage muna ni Mendoza ang kaniyang live-in partner at ang kanilang anak sa isang bahay na tinutuluyan sa naturang barangay.
“Hindi sya sumuko. Nakipag-negotiate tayo hanggang umabot ng alas kwatro ng madaling araw (He didn’t surrender. We negotiated until four in the morning),โ pahayag pa ni Major General Nartatez.ย
Isa umanong kamag-anak ni Mendoza ang nakipag-usap sa kaniya, pati na ang isang negosyador. Ngunit di kalaunan, pumasok umano sa isang palikuran ang suspek, saka nagbaril sa sarili sa harap ng police negotiator at ng pinsan niya.
Matatandaang noong Mayo ng taong kasakukuyan, hinatulan ng 16 na taong pagkakabilanggo ng Las Piรฑas City Regional Trial Court si Joel Escorial, ang self-confessed gunman ni Lapid.
Si Percy Lapid, o Percy Carag Mabasa, ay binaril at napatay habang nagmamaneho pauwi sa kaniyang tahanan sa Lungsod ng Las Piรฑas, Metro Manila, bandang alas-8:30 ng umaga noong Oktubre 3, 2022.| – Joenald Medina Rayos