JUST IN: SUSPENDIDO na ang lahat ng klase at trabaho sa mga opisina ng pamahalaan sa buong Luzon sa Huwebes, Oktubre 24, 2024, dahil sa bagyong #KristinePH, ayon sa Office of the Executive Secretary.
Para sa mga nasa pribadong sektor, nasa pagpapasya na ng mga pangasiwaan kung papayagang pumasok ang kanilang mga manggagawa.
Pinaaalalahanan ang lahat na maging maingat sa banta ng pagbabaha at landslide.
#WalangPasok#BalikasNews#TSKristinePH