28.8 C
Batangas

Suspensyon ni Mayor Fronda, binaligtad ng Ombudsman

Must read

- Advertisement -

In photo: ITINAAS ni incumbent first district Congresswoman Eileen Ermita-Buhain ang kamay ni Mayor JR Fronda bilang hugyat ng kaniyang suporta
sa re-election bid ng alkalde sa May 13, 2019 national and Local Elections.|

By JOENALD MEDINA RAYOS

- Advertisement -

BALAYAN, Batangas – BALIK-trabaho na ulit ngayon si Mayor Emmanuel Salvador Frondo Jr. bilang alkalde ng bayang ito, matapos baliktarin ng Ombudsman ang Suspension order na naunang ipinataw nito kamakailan.

Nitong isang Biyernes, Oktubre 26, pormal na inihain ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hatol ng Ombudsman sa Motion for Reconsideration (MR) na isinampa Mayor JR Fronda matapos suspindehin ng Office of the Ombudsman sa kasong administratibong isinampa laban sa opisyal.

Nag-ugat ang suspensyon ni Fronda sa dating reklamo ng isang 14-anyos na babae sa umano’y panghahalay sa magkakahiwalay na pagkakataon noong taong 2016.

Matatandaang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng panggagahasa si Mayor JR samantalang sinampahan naman ng qualified seduction si Chief Inspector Christopher Guste, dating hepe ng Balayan police, at si Barangay 12 Chairman Romero Fronda-Erilla, pinsan ng alkalde.

Noon namang Marso 2017, kinasuhan ni Fronda sina NBI agents Aristotle S. Adolfo at Marie Catherine R. Nolasco dahil umano sa violation of Section 1 (b) of Presidential Decree No. 1829, or penalizing obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders; grave misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of public service.

Di kalaunan, dinismis ng Department of Justice (DoJ) ang kasong kriminal laban kay Fronda.

Sa kabila nito, umusad naman ang mga kasong administratibo na isinampa sa Ombudsman laban sa nasuspindeng alkalde na nag-ugat din sa sinasabing reklamo ng panggagahasa.

Nauna rito’y nagsampa ng reklamo sina Adolfo at Nolasco sa Office of the Ombudsman [OMB-L-A-17-0045] ng kasong Grave Abuse of Authority, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, and Grave Misconduct laban kay Fronda, bukod pa sa isang hiwalay na reklamo [OMB-L-A-17-0049] for Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, and Grave Misconduct na isinampa naman ni Gng. Almira R. Torres, ina ng sinasabing biktima sa naunang kaso ng panghahalay.

Noong Nobyembre 27, 2017, nagpalabas ang Office of the Ombudsman ng isang Consolidated Decision sa dalawang kasong nabanggit sa pamamagitan ni Graft Investigation and Prosecution Officer II Ma. Czarina D. Castro-Altares laban kay Fronda, nirebyu ito ni Direktor Margie G. Fernandez-Calpatura ng Administrative Adjudication and Prosecution Bureau C noong Disyembre 4, 2017, ngunit umabot pa ng mahigit apat na buwan bago nag-concur si OIC-Assistant Ombudsman Gil Felix A. Hidalgo noong Abril 23, 2018. Kinabukasan rin, nilagdaan ni Deputy Ombudsman for Luzon Gerard A. Mosquera ang recommending approval sa desisyon; at inaprubahan naman ito ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales noong Hunyo 28, 2018.

Paliwanag ng Ombudsman, ang mga isinalaysay sa reklamo ay hindi mapagbabatayan ng husgado upang idiin ang inirereklamong si Fronda sa mga kasong Grave Abuse of Authority, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, and Grave Misconduct sapagkat ang mga inirereklamong gawi o inasal ng dating alkalde ay walang kinalaman sa kaniyang pagganap bilang punumbayan ng Balayan. Ngunit ito umano ay di nangangahulugan na walang pananagutan si Fronda sapagkat ang kaniyang inasal at naging gawi ay itinuturing na disgraceful and immoral conduct.

Sa ilalim ng Administrative Code of 1987 at Revised Rules on the Administrative Offense of Disgraceful and Immoral Conduct, ang sinasabing “Disgraceful and Immoral Conduct” is an act which violates the basic norm of decency, morality and decorum abhorred and condemned by the society and conduct which willful, flagrant or shameless, and which shows a moral indifference to the opinions of the good and respectable members of the community.”

Paliwanag pa sa desisyon, “ang mga naging kilos o gawi ng inireklamong opisyal ay malinaw na paglabag sa panuntunang ito, “ang magkaroon ng pagnanasa sa isang menor-de-edad kapalit ng salapi, meron man o walang pagsang-ayon ng biktima, ay kasuklam-suklam lalo na sa isang pampublikong opisyal na inaasahan ng lipunan ang mataas na antas ng kagandahang-asal at moralidad”.

Isinasaad sa Desisyon ng Ombudsman na ang respondent na si “Emmanuel Salvador P. Fronda II is found GUILTY of Disgraceful and Immoral Conduct” kung kaya’t pinatawan siya ng parusang pagkasuspinde ng siyam (9) na buwan ng walang sahod.

Bago tuluyang nagsara ang opisina noong Agosto 30, Biyernes, personal na iniharap ni DILG Batangas director Adelma Mauleon ang Memorandum ng DILG kay Vice Mayor Joel T. Arada na nagluluklok sa kaniya bilang bagong Punumbayan ng Balayan sa pagkabakante ng posisyong iniwan ni Fronda.

Dahil dito, pormal ding iniluklok si first Councilor Marlon Martinez bilang bagong Bise-Alkalde ng Balayan.

Naghain naman ng Motion for Reconsideration sa Ombudsman si Fronda at sa hatol muli ng Ombudsmans a nasabing MR, binaliktad nito ang nauna nitong hatol na suspension kay Fronda.

Sa pagbabalik ni Mayor Fronda sa munisipyo, bumaba rin si Acting Mayor Joel Arada para gumanap muli bilang bise-alkalde. Ani Arada, maluwag sa loob niyang binakante ang posisyon sapagkat alam naman niyang ang pag-upo niya bilang alkalde ay alinsunod sa isinasaad ng batas na kapag nababakante ang tanggapan ng punumbayan ay ang bise alkalde ang gaganap sa tungkulin ng alkalde.

Kapwa naman nagsipaghain ng kandidatura para sa May 2019 elections sina Fronda at Arada. Si Fronda na tatakbo para sa kaniyang 3rd term ay kaalyansa ni incumbent 1st district Congresswoman Eileen Ermita-Buhain sa Nacionalista Party, samantalang si Arada ay tatakbo namang mayor sa ilalim ng PDP Laban na kaalyado naman ni dating Congressman Conrado Apacible at ngayon ay bumabalik ulit sa pagka-konggresista ng unang distrito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article