By JOENALD MEDINA RAYOS
TANAUAN City – KAPWA bigo pa rin ang Sangguniang Panlungsod ng Tanauan at Sangguniang Panlungsod ng Lipa na makapag-pasa ng ordinansa para sa pagpapatupad ng Taunang Badyet para sa taong 2019.
Ayon sa mga sources ng BALIKAS News, kapwa tinanggap na ng mga konsernadong konseho ang mga panukalaang laang gugulin mula sa sangay ng ehekutibo ng parehong syudad ngunit hanggang sa pagsasara ng opisina nitong Biyernes, Enero 4, 2019 ay hindi pa rin napagtitibay ang mga naturang badyet.
Alinsunod sa itinatadhana ng Local Government Code of 1981, walang maaaring talakayin o ibang maaaring maging agenda ang konsernadong sanggunian sa pagpasok panibagong fiscal year hanggat walang napagtitibay na badyet para sa taong kasalukuyan.
Isinasaad din sa naturang batas na may hanggang 90 araw lamang ang isang konsernadong sanggunian para magpatibay ng taunang badyet, at sa pagkakataong hindi pa rin nakapagpasa sa panahong itinakda, idedeklara ng konseho na kung ano ang napagtibay na badyet sa sinundang taon (2018) ay siya ring susundin o magiging reinacted budget para sa kasalukuyang taon.
Bago natapos ang tatoong 2018, limang kagawad (5) lamang ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan ang bumoto pabor sa ipinanukalang badyet ni Mayor Jhoanna Corona-Villamor, samantalang pito namang kagawad ng konseho kabilang ang pangulo ng liga ng mga barangay at panlungsod na pederasyon ng Sangguniang Kabataan ang bumoto kontra sa panukala.
Sa isang post sa social media, inihayag ng isang kagawad na mayroon umanong isiningit sa panukalang budget na aproprasyong umaabot sa P20-milyon na ipamamahagi sa mga mamamayan padaan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na suspetsa ng mayoriya ay maaaring gamitin lamang sa maaagang pamumulitika ng administrasyon.
Ayon naman sa kampo ni Mayor Corona-Villamor, hindi tamang gamiting dahilan ang umano’y maaaring maging pamumulitika ng administrasyon at sa halip ay ang tingnan ay ang benepisyong maibibigay sa mga mamamayan ng lungsod ng Tanauan.|#BALIKAS_News