Ni MARIA THERESA S. BUÑO
LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas — KINILALA ng pamahalaang lunsod sa pangunguna ni Mayor Antonio C. Halili, Vice Mayor Jhoanna Corona-Villamor at mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod ang mga batang atleta na namayagpag at humakot ng medalya sa katatapos na 2018 Regional Sports Competition sa Lunsod ng San Pablo, Pebrero 12-15.
Sa isinagawang regular flag raising ceremonies noong Lunes, Pebrero 19, iniharap sa mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ang buong delegasyon ng Tanauan City na nagsipag-uwi ng 80 medalya makaraang magwagi sa iba’t ibang isports na nilahukan ng mga ito.
Sa opisyal na datos na nakalap mula sa DepEd Tanauan City Division, kabuuang 49 na gintong medalya ang nakuha ng mga manlalaro at coachesng lunsod mula sa mga larong baseball elementary (14 medals); secondary baseball (15 medals); softball secondary girls (15 medals); sepak takraw (3); at individual games na athletics (1) at swimming (1).
Wagi naman ng silver medals ang delegasyon ng lunsod sa mga larongfootball secondary (15 medals) at individual games na 100m run (2),shot put (2), at 4x 100m relay (2).
Nagsipag-uwi naman ng kani-kanilang bronze medals ang mga players at coaches na lumahok sa football elementary (2); table tennis (2); chess (1); basketball (1), futsal (2) at taekwondo (4).
Nananatili namang buo ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang tulad nito at patuloy na nagpapasalamat sa mga kabataang naghahandog ng mga karangalan sa lungsod buhat sa mga kompetisyong sinasalihan ng mga ito sa iba’t ibang uri ng larangan.|#BALIKAS_News