TULOY ang blind date ni US President Donald Trump at Kim Jong Un ng Nokor. Saan kaya sila mag-a-eyeball? Sana walang sumabog.
Mukhang tahimik daw ngayon si Speaker Alvarez. Baka kasi batukan siya ni Inday Sara!
Balik pulitika raw si dating Manila Mayor Alfredo Lim. Wika ni Erap ay magiging kulimlim at madilim na naman ang Maynila. Sagot naman ni Lim, “Nagkakanda-erap-erap na nga ang Maynila eh! Susmarya Joseph! He he he!
Sa unang linggo ng Hulyo ang class opening ng ilang paaralan. Iwas bagyo, baha at kulang na matrikula.
Wala pang report si Heneral Bato sa Bilibid. Mukhang nagkaayos na sila ng mga drug lords.
Ipinagbabawal ni Pope Francis ang mga baklang pari. Kelan kaya ipagbabawal ang mga tomboy na madre?
Nagpahayag din si Pope Francis na hindi siya talaga kontra sa mga LGBT dahil nilalang din daw sila ng Diyos. Siya ang katangi-tanging Pope na hindi sumusunod sa Biblia.
Natuloy din ang libong Pinay DH sa pagpunta sa Kuwait. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit!
Federalismo muna daw ang pagtutuunan ng pansin ni Koko Pimentel. Sana ay maipaliwanang niya nang husto ang tunay na kahulugan ng Federalismo sa Pinas!
Nababahala daw si Pangulong Digong sa deployment ng bombers ng China sa West Philippine Sea. Wika raw ng Pangulo, “Bahala na!”
Merong nakitang pattern ang forensic team ng PAO sa dahilan ng pagkamatay ng 57 katao na kanilang sinuri na umano’y nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia. Ang 54 na bata, isang pulis, isang doctor sa Crame at isang utility worker na mga namatay ay pulos nakaranas ng pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, lagnat, pagsusuka, diarrhea at pamamaga ng mga internal organs na naging sanhi ng kamatayan. Unti-unti nang nabibisto ang sabwatan sa Dengvaxia vaccine ng DOH. Sibak pa more!
Isinagawa sa Tanauan City ang Child Protection Summit sa pangunguna ni SDS Edna Faura Agustin na dinaluhan nina Congresswoman Matet Collantes at USEC Jesus Mateo ng DepEd bilang pangunahing tagapagsalita. Sa nagkakaisang pahayag nina Mayor Thony C. Halili at SP Education Committee Chairman Councilor Joseph Castillo ay natutuwa sila na bilang laging bahagi ng adhikain ng administrasyon ang Child Protection ay dito pa sa Tanauan City isinagawa ang Summit.
Lumabas na rin ang ebidensiya na may warning na kay dating DOH Secretary Garin at ex-P-Noy sa posibleng maging masamang epekto sa pagturok ng Dengvaxia. Kung gayon ay dapat makulong na ang mga Tropang Dilawan.
Nagresayn na si Cesar Montano bilang Asec. Ng DOT. Magtatayo na lamang daw siya ng isang maliit na negosyo kesa magtrabaho sa gobyerno. Magtatayo na lamang daw siya ng karinderya.
Naluha raw si bagong DOT Secretary Puyat dahil sa dami ng anomalya sa kanyang tanggapan. Baka raw maubos ang kanyang luha kung sa dating office ng DBM siya napunta.
Nahihilo raw si Secretary Puyat sa dami ng funds na inilalabas ng DOT. Papalitan na raw niya ang slogan ng DOT — It’s more funds in the Philippines.
Hindi na raw kayang linisin at napakabaho pa ng Manila Bay. Tambakan na lang at tayuan ng mga gusali!
Hindi pabor ang mga Villar sa reclamation ng Manila Bay. Ekta-ektarya nilang lupa kasi ang lulubog sa Las Piñas at Cavite.
Ayon sa China ay walang dapat ikatakot sa nuclear bomber sa Spratlys. Kung ikaw ay kaibigan nila!
Nag-aregluhan na ang Beijing at Washington. Pareho kasi silang babagsak!
Maaari daw maging mitsa ng kaguluhan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa pagkaalam ni Ping Lacson. Alam din kaya niya na ang dahilan ng pagtaas ay ang mga dayuhang negosyante.|