26.9 C
Batangas

Tanauan City, Top 1 sa Local Tax Collection Efficiency sa buong bansa

Must read

- Advertisement -

TANAUAN City — PANIBAGONG karangalan ang tinanggap ng lokal na pamahalaan matapos itong kilalanin bilang Top 1 sa Local Collection Efficiency (City Category) sa buong bansa.

Noong nakaraang Disyembre, iginawad ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ang karangalang ito sa Pamahalaang Lungsod matapos na makapagtala ng 154.5% “collection efficiency” base sa 2017 BLGF Collection Target for Total Local Revenues ang mga tanggapan ng City Treasurer’s Office (CTO) at City Assessor’s Office. Mula sa Php 693, 881, 296.00 na “Total Local Revenues Target”, umabot sa kabuuang Php 1,072,022,459.15 ang “LGU Collections (Per SRE System) ng mga naturang opisina.

Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, layunin ng BLGF na himukin ang mga lokal na pamahalaan, partikular ang mga tanggapan ng Treasury at Assessor na ipagpatuloy, mas pagbutihin at palawigin pa ang kanilang “revenue generation efforts” para sa mabuting lokal na pamamahala at pagbibigay ng mahusay na serbisyo publiko.

Ipinabatid nina City Mayor Jhoanna Corona-Villamor at ang mga bumu-buo ng Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni City Vice Mayor Benedicto C. Corona kasama sina Kon. Lim Tabing, Kon. Jun Goguanco, Kon. Eric Manglo, at Kon. Arthur Lirio ang kani-lang pagbati at papuri sa mga nasabing departamento sa isinagawang “flag raising ceremony” noong Lunes, Enero 14.

Kaugnay nito, ginawaran ng Gawad Pagkilala, sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE), ang opisina ng Treasury at Assessor, na pinamumunuan nina City Treasurer Fernando Manzanero at City Assessor Annaliza Gonzales.

Bukod dito, tumanggap ang mga naturang opisina ng tig-Php30, 000.00, ayon pa rin sa itinatakda ng PRAISE. Ito ay bilang pagpupugay sa kanilang natatanging kahusayan at pagsisikap upang makamit ang karangalang ito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BALAYAN, Batangas – AFTER undergoing monitored home isolation and receiving appropriate medical care, the first Mpox case recorded in CaLaBaRZon, a 12-year-old male from this town, was tagged as recovered and given clearance on September 13, 2024. The patient started...
In 1916, Albert Einstein theorized that two merging black holes create ripples in the spacetime fabric, similar to how a pebble creates ripples in a pond. These ripples, called gravitational waves, stretch and squeeze spacetime in amounts so minuscule...
Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -