24.3 C
Batangas

Tanauan City Women’s Softball Senior Little Leaguers, handog kay Mayor Thony Halili ang kampeonato

Must read

- Advertisement -

NAGBAGO raw ang isip ni Pacman at gustong magboksing na lang kesa tumakbong Pangulo. Baka natakot sa balita na sina Bongbong Marcos, Noynoy Aquino at Inday Sara ang makakalaban niya. Sabagay, maraming bilyong piso pa ang kikitain niya sa boksing at maraming bilyong piso ang mawawala sa kanya kung siya ay magiging Pangulo. Eh, saan pa kayo? Masmarami ang nagsasabing kay Pambansang Kamao sila papanig dahil hindi na magnanakaw pa!

Papalitan na raw ang Customs chief. Excited na raw ang papalit sa welcome money ng mga ismagler.

- Advertisement -

Binigyan ng budget ang lahat ng kongresista, minorya man o mayorya. Pork barrel na naman!

Tuloy ang pag-aresto sa mga pulis iskalawags. Palakpakan tayo!

May krisis ang basketball sa Pinas. Ginawa kasing komersiyal!

Nalulungkot daw si Janet Napoles dahil sa extradition niya sa Amerika. Dati nga naman ay parang Batangas lang kung puntahan niya ang Amerika, eh ngayon ay kailangan pa niyang ma-extradite para makapunta doon. Ha ha ha!

Binastos ni Mocha Uson ang Pederalismo. Pepe at dede pa more!

Ngayon ay tunay na muling nabuhay ang usapan tungkol sa Pederalismo dahil sa pepe at dede. Mabuhay si Mocha Uson.

Maraming nagba-bash na mga netizens at nagsasabing makapal talaga ang mga mukha ng Tulfo Brothers sa hindi pagbabalik ng P60 million TV ads ng DOT na dating pinamumunuan ng kanilang kapatid na si former Secretary Wanda Teo. Kasi ang programang Bitag na hindi masyado nagre-rate lang ang binigyan gayong mas maraming mas mataas ang rating ang hindi nakadali ng DOT tv ads. Dapat talaga ay pandarambong ang ikaso sa kanila!

Ipina-bulldozer uli ang ilang smuggled na mamahaling sasakyan sa Customs. Nagkamali lang daw nang parking ang ilang opisyal ng BOC. Sana ay may life insurance sila. He he he!

Bibiyahe daw si Pangulong Duterte sa Israel. Huwag naman sana siyang ipako sa krus.

“Napawi na ang luha ng kalungkutan at ngayon ay pinalitan na ng luha ng kaligayahan. Ito  ang nadama ng Tanauan City Little Leaguers matapos nilang makopo ang isang makasaysayang kampeonato sa Senior League Girl  Softball sa Little League World Series sa Delaware USA,” ayon kay Tanauan Sports Czar Tato Dimayuga. Matatandaang napaiyak lahat ang mga manlalaro sa Little League na mga Tanaueños dahil sa pagkapaslang sa kanilang itinuring na ama at taga-suportang si yumaong dating Mayor Thony C. Halili. Kung hindi nga lang daw napatay si Mayor Halili ay sana kasama siya ng team at nanonood ng kanilang mga laro bilang moral support at inspirasyon. Dagdag pa ni Tato Dimayuga ay kung hindi man daw nasaksihan sa lupa ni Mayor Halili ang tagumpay ay seguradong nakangiti siya ngayon sa langit. Handog daw ito ng koponan kay Mayor Thony C. Halili. Salamat at congratulations sa mga players, coaches, magulang at mga tagasuporta sa Amerika. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Tanauan City. Tanaueños Da Best Ka Talaga!

Tepok ang 11 katao sa car bomb sa Basilan. Andito na ba talaga ang Syria at Iraq o credit grabbing lang ito ng ISIS?

Ginawang P2-milyon mula sa P1-milyon ang patong sa ulo ng 4 na dating party list representatives na wanted sa kasong murder. Tanggap ni Joma na isang malaking dagok na naman ito sa mga komunista!

Hindi raw totoo ang 300,000 na nailigtas ng gobyerno mula sa kontraktwalisasyon na ibinalita ni Duterte sa SONA, ayon kay ALU-TUCP spokesman Allan Tanjusay. Ang naturang datos ay galing sa DOLE. Sino kaya ang sinungaling – si Secretary Bello o si Duterte.

Doble na halos ang sahod ng mga pulis, pero bakit daw nanghuhulidap pa rin sila?  Seguro triple naman ang gastos nila sa kanilang mga bisyo!

Kakandidato raw na Manila mayor si Isko Moreno at siya ang makakalaban nina Fred Lim at Erap. Tagilid daw siya sa laban kontra 2 senior citizens na ito. Kasi may discount na rin daw 20% ang mga ito sa kanilang pamimili ng boto!

Tameme na raw ngayon si Speaker Alvarez. Wika ni Erap ay weder-weder lang talaga iyan!

Inamin ni Pangulong Digong na dahil sa pangongontra sa kanya ay gusto na niyang batukan si Senator Kiko.  Kaya lang ay nahihiya siya ka Inday Sara dahil paboritong-paborito niya ang asawa niyang si megastar Sharon Cuneta.

Muling binanatan ni Pangulong Digong ang TV network na ABS-CBN dahil magnanakaw daw. Aniya’y kung siya ang masusunod ay hindi na niya ire-renew ang franchise na hindi pa nakakalusot na House Bill 4349 na layong i-renew ang prangkisa para sa susunod pang 25 taon. Aniya’y manloloko raw sa malilit na mamamayan ang higanteng network.|

 

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article