27.3 C
Batangas

Tanauan Softbelles, namayagpag sa World Series, kinilala ng lunsod

Must read

- Advertisement -

By MARIA TERESA SILVA-BUÑO

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinawi ng Tanauan City softbelles ang uhaw sa kampeonato ng Asia-Pacific Region sa larangan ng softball makaraang tanghalin silang pandaigdigang kampeon ng katatapos lamang na Senior League Softball World Series na ginanap sa Delaware, USA noong Hunyo 30-Agosto 05, 2018.

Sa loob ng 44 na taon, naging susi ng AsPac Region sa “World Series” ang pamosong pitcher ng Tanauan City na si Royevel Palma na binutata ang nakatunggaling koponan ng Waco Texas District 9 sa final score na 7-0. Si Palma na tinanghal ding “Most Valuable Player” ng torneyo ay matagumpay na nagpakawala ng kanyang “no-hitter pitches” na nagresulta ng 15 “strikeouts” sa kalabang koponan. Ang pangkalahatang puntos naman ng mga pambato ng lungsod ay nagmula sa pambihirang “runs” nina Marika Joana Manaig, Mae Langga, Jamm’n Joyce Rasco at gayundin kay Royevel Palma.

Determinasyon, pagkakaisa at buong pagsusumikap ang pinairal ng mga manlalarong ito upang muling patunayan na sila ang hari sa larangan ng softball hindi lamang sa buong bansa at sa Asya kundi maging sa buong mundo.

Ang unang tatlong panalo ng Tanauan City laban sa mga koponan ng Puerto Rico sa score na 4-1; Massachusetts (6-1); at Texas (3-1) ang sumiguro ng kanilang puwesto sa Quarter Finals kung saan nakaharap ng mga ito ang mga manlalaro ng South East-Florida na pinadapa rin nila sa final score na 3-1.

Ang buong delegasyon na tumulak sa Sussex County, Delaware, USA upang sumabak sa World Series ay kinabibilangan ng mga players na sina Kyla Sophia Aala, Kathy Nueva, Mae Langga, Royevel Palma, Dane Ashley Martinez, Christine Ghea Plaza, Trisha Mae Contreras, April Joyce Rosita, Neelyn Pajotal, Jeelyn Pajotal, Marika Joana Manaig, Jamm’n Joyce Rasco, Dianne Pasco, Angel Kaye Bedaño, Princess Pamela Olfato, at Kate Nueva kasama ang mga coaches na sina Ramil Mercado, Joselito Villanueva, Jerrylfin Geroche, Max Andrew Mercado, Marilyn M. Manaig ng Team Mom at Ramona Esquivel, Head of Delegation.

Ang mga manlalarong ito kabilang na ang iba pa na naghahari rin sa iba’t ibang larangan ang nagsisilbing patunay sa binuong “city slogan” ni dating City Mayor Antonio C. Halili, ang “Tanaueño, the Best Ka!”

Isang Welcome Victory Party naman ang naghihintay sa koponan na inihanda ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, Acting Vice Mayor Eric Manglo kasama ang Sangguniang Panlungsod members na pangangasiwaan ng City Sports Development Office sa pamumuno ni Fortunato Dimayuga, Jr

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -