Opinions

Tanaueñang OFW, nasagip ni Mayor Halili sa nagmamaltratong amo sa Saudi Arabia

NAGKAISA ang Nokor at Sokor dahil bukas lagi sa peace talks si Kim Jong-Un ng North Korea. May karibal na si Duterte sa Nobel peace Prize Award.

Hindi pa umaalis ang US warship at China warship sa Spratlys hanggang ngayon. Naghihintayan sila kung sino ang unang magpapaputok.

Iniutos ng LTFRB sa Grab na itigil  muna ang P2 kada minutong dagdag-singil sa pasahero. Tuwang-tuwa kasi ang Grab kapag matrapik.

Very close daw kay Pangulong Digong kaya parehong iniendorso sa Senado si Mocha at Ka Freddie Aguilar. Sigaw ng madlang pipol,” Magiging mala-bar na ang Senado, kasi may singer na ay may sexy dancer pa!”

Kontra divorce law si Mayor Inday Sara. Paasik ang kanyang pahayag na  magiging biyuda muna siya, bago maging diborsiyada.

Dire-diretso lang ang pagpataw ng buwis na binabalikat ng mga mahihirap. Ilang panahon lang ay mayaman nang lahat ang mga mamamamayan sa Pinas. Mamamatay na kasi ang mga mahihirap!

Mismong Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagsabi na TRAIN Law ang dahilan ng inflation sa bansa. Babala ito ng krisis sa ekonomiya. Maraming mawawalan ng trabaho dahil maraming negosyo ang magsasara. Dadami na naman ang holdapan lalo na ang nakawan. Nadiskaril na talaga ang Train.

Bistado daw na nanggagaling sa junkshop ang mga piyesa ng mga naaaksidenteng mga bus. Hindi lamang bulok na dyipni ang dapat ipagbawal. Isama na rin ang mga bus.

Nagwika si Eric Quizon na si Paolo Ballesteros daw ang next Dolphy. Pero ang gusto raw ni Paolo ay hindi ala-Panchito kundi si Piolo Pascual ang katambal.

Dinakip ng NBI ang isang dean ng school dahil sa reklamong sextortion. Isang lalaki ang estudianteng biktima.

Nagpatutsadahan sa social media si Kris Aquino at Korina Sanchez. Dahil sa ginawa ni Kris na panunuya kay Korina ay nagalit ang Dos at baka mawala na uli ang kanyang show. Pero, hirit ng Palasyo ay welcome si Kris sa Team Duterte, ngayong war na sila ng Misis ni Mar Roxas.

Masayang nagsadya sa opisina ni Tanauan mayor Thony C. Halili upang magpasalamat kasama ang kanyang magulang si Mrs. Haydee Bonifacio Narvaez, ang Tanaueñang OFW na humingi ng tulong kay mayor sa pamamagitan ng mensahe niya sa Facebook upang ma-rescue sa pagmamaltratong dinanas niya sa kanyang among Arabo. Mabilis na bumuo si Mayor Halili ng rescue team na binuo nina GAD officer Vicky Javier, CIO officer Gerry Laresma at CSWD chief Lorna Cabrera na siyang tumutok sa mabilis at  masusing imbestigasyon sa tulong nang pakikiugnayan sa OWWA, Serbisyo OFW at DFA na kung saan ay mabilis na nagawan ng paraan na maiuwi agad siya siya sa Pilipinas.

Simula na nang kampanyahan sa barangay elections. Matalo kaya ang mga drug protectors sa laki nang kanilang gastos?

Baka raw orihinal na Pacquiao ang makalaban ni WBO welterweight champion Matthyse. Kasi wala na raw si Freddie Roach.

Sabit daw sa korupsiyon ang 4 na gabinete ni Pangulong Digong. Sibak pa more!

Ginagawa na raw military base ng China ang Spratlys. Lumang-luma na ang balitang ito.

Inaresto ang isang madre dahil sa pakikialam sa pulitika sa Pinas. Mahusay talagang makialam ang Simbahan sa bansa. Onli in da Pilipins!

Ayaw tumigil ng US sa pambabatikos sa OPLAN Tokhang. Seryoso na ang pagmamaniobra ng mga dayuhan kontra Duterte.  Nakakakaba na yata ah!|