Sumakabilang-buhay na ang kinikilalang ‘Balisong Master’ na si Tatay Diosdado Ona o Tatay Dado ng Balisong, Taal, Batangas, sa edad na 72.
Sa opisyal ng kaniyang pamilya, si Tatay Dado ay kapapagdiwang pa lamang ng kaniyang ika-72 taong kaarawan noong nakalipas na Martes, Nobyembre 8.

Si Mang Dado, or si Tatay Dado ang may-ari ng ‘Ona’s Batangas Blades’ na kilala sa buong mundo.

Ginugol niya ang mahabang panahon ng kaniyang buhay sa pagsusulong ng pagpapanatili ng ng industriya ng Balisong sa Pilipinas bilang isang lumilipas nang industriya.
Sa kaniyang paglisan, naulila niya ang kaniyang maybahay na si Natividad Ona; ang kaniyang nag-iisang anak na si Aira Lagurin, ang manugang na si Allan Lagurin, at ang kaniyang kaisa-isahang apo na si Almira Gail Lagurin; at ang di mabilang na mga kaibigan at nga kamag-anak.

Kasalukuyang nakalagak ang kaniyang labi sa kanilang tahanan sa Taal, Batangas. Samantalang humihiling ng panalangin para ang kaniyang pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.|

[Ang mga larawan sa artikulong ito ay hango sa FB Page ng Ona’s Batangas Blades.]