31.1 C
Batangas

Tawilis, Taal Lake patuloy na pinangangalagaan

Must read

- Advertisement -

NILINAW ng mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources – Region IVA na hindi totoo na ang isdang Tawilis, ang nag-iisang freshwater Sardinela sa mundo na endemic o sa Lawa ng Taal lamang matatagpuan, ay isa nang endangered species, taliwas sa mga naglabasang balita kamakailan.

Sa isaing kumperensya na pinamunuan ng DENR – Region IVA, kasama ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga bayan na nasa palibot ng Lawa ng Taal, nilinaw ni Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) chief Elmer Bascos, na bago pa man lumabas ang International Union for the Conservation of Nature (IUCN) findings ay naikasa na ng kanilang tanggapan at ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) ang mga hakbang upang mapangalagaan ang Tawilis.

Idinagdag pa niya na nagpasa ng resolusyon ang PAMB para sa pagkakaroon ng closed season sa pangingisda ng Tawilis tuwing mga buwan ng Marso at Abril, na magsisimulang ngayong taong ito.  Nagpulong din ang pang-rehiyon at panlalawigang mga tanggapan ng DENR at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) IV-A upang gawing Tawilis conservation areas ang mga fishing grounds na sakop ng Cuenca, San Nicolas, at Balete.

TUWING Biiyernes, mabibili ang sinaing na tawilis sa harap ng Lipa City Hall kung saan may tienda ang mga lokal na magtitinda.|

Sinang-ayunan naman ng mga opisyal na ang ulat ng IUCN na banta sa tawilis ang overfishing, polusyon, at kompetisyon mula sa mga invasive species.  Binigyang-diin din ang wastong implementasyon ng mga batas na sumasaklaw sa lawa, ang patuloy na monitoring ng populasyon ng Tawilis, at monitoring ng kalidad ng tubig.

Nabanggit din ng DENR ang patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, upang muling buhayin ang Task Force Taal Lake upang makatulong sa pagpapatupad ng mga isinusulong na panukala upang mapangalagaan ang likas na yaman sa palibot ng Lawa ng Taal.|Shelly Umali

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -